Chapter 20

38 3 3
                                    

MABUTI na lang at natapos ko ang ibang commissions at novel translation ng sakto sa oras, iyon lang ang masasabi ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MABUTI na lang at natapos ko ang ibang commissions at novel translation ng sakto sa oras, iyon lang ang masasabi ko.

Hindi naging madali ang pag singit ng oras sa pag gawa ng memoir, pero salamat doon ay nagkaroon ako ng excuse para di magtagal sa bahay nitong mga nakaraang araw.

Oo, matapos kong mag-stay kila Ate Shaina ng tatlong araw ay napilitan pa rin akong umuwi. Hindi dahil sa gusto ko, kung hindi dahil sa simpleng rason...

Hiya. 

Akala ko magi-insist ang sinuman sa dalawa kong kapatid na kausapin ako pagkauwi na pagkauwi, pero titigan lang ang naigawad namin sa isa't isa. Saan na napunta yung gusto nilang sabihin sa akin nung tinatawagan nila ako?

Hindi ko alam kung dahil alam nilang nakila Ate Shaina lang ako o alam nilang hinding hindi ako magpapatalo kung sangkot si mama sa magiging usapan. Alam at narinig nila ang nagdulot ng away namin nung umagang yon, at alam kong walang kahit na anong salita ang magpapa kumbinsi sa akin na AKO ang mali.

"Sino nagluto ng ulam?"

Napatigil ako sa pag-nguya nang basagin ni mama ang katahimikan. 

"Ako po," sagot ni Kuya Gael matapos lunukin ang sinubong pagkain.

"Hah, bakit ikaw? Wala ka bang ibang trabaho?" usal nanaman niya habang hinihiwa ang pritong tilapia sa gitna. "Tsaka wala ka bang girlfriend? Wala ka na sa kalendaryo, dapat nga kasal at may isang anak ka na kahit papaano."

Nagkatinginan kami ni Kuya Gray. 

Ako ang unang nag-iwas ng tingin.

"Hay nako, daig ka pa ng kapatid mong si Khaizer, mas bata pa yon ng limang taon sayo pero ang layo na ng narating sa buhay. Siya, may sariling negosyo at pamilya na. Di ka na bumabata, Gael. Kumpleto paa't kamay mo, wag mong ilaan sa pag-aasikaso ng mga kapatid mo. Matatanda na  mga yan."

"May trabaho si Gray at Gwen, ma," kalmadong sabi ni Kuya Gael habang hinahalo ang toyo na aksidente niyang nabuhos sa kanyang kanin. 

"May trabaho nga, ang liliit naman ng mga sweldo. Ikaw Gray, bakit ba journalism ang kinuha mo? As far as I know, magaling ka naman magsalita! Bakit di na lang business management ang kinuha mo? Eh di sana mas nagagamit mo talento mo. Malaki pa kikitain mo."

"Malaki po sweldo ko," nanggagalaiti pero kontrolado pa rin na sabi ni Kuya Gray. "Hindi kasing laki ng sweldo ni Khaizer at Violet, pero di niyo pwedeng sabihin na maliit."

"Still, mas maganda kung may negosyo! Kahit pa humilata ka lang diyan, kumikita ka. Diba?"

"Bakit hindi na lang ikaw mag negosyo?" Bulong ko na napalakas.

"May negosyo ako," garagal na sagot sa akin ni mama.

"Ahhh..." Tango-tango kong sabi. "Akala ko sa asawa mo yon kasi, you know, parang family business na nila yon bago ka pa dumating sa buhay niya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When the Ink Dries (Zodiac Predators Series #3)Where stories live. Discover now