Chapter 2

232 22 2
                                    

2018

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2018


"Baste, no!"

Halos mahulog ang puso ko nang muntikang makain ni Baste ang nalaglag na chocolate sa sahig.

Sinamaan ko ng tingin si Kuya Gray dahil siya ang salarin.

"Hoy chill ka lang! Hindi naman siguro mamamatay si Baste sa isang kagat?" aniya pa niya sabay nguya ng tsokolate.

Matapos kong isuot ang hikaw at irolyo ang manggas ng checkered ko ay tinadyakan ko siya sa tagiliran sa sobrang inis, "Kahit pa! At saka pang-ilang tsokolate mo na iyan? Tinirhan mo ba ako?"

Nagharumentado akong bumaba ng hagdan, dinig ko rin na sinundan ako ni Baste papuntang kusina.

"May tatlo pa diyaan sa ref!" sagot ni kuya mula sa itaas. Pagkabukas na pagkabukas ko ng luma naming refrigerator ay agad akong napapikit, napabulong ng ingles at gumawa ng sariling ritwal na pang alay ng kapatid sa utak ko.

Narinig ko ang mga yabag ni kuya pababa, katabi lang ng hagdan ang kusina kaya kita ko kung da-daan siya.

"Isang maleta ang pinadala ni mama tapos tatlo na lang ang natira?!" iritableng sigaw ko nang makababa na siya, halos dalawa pa lang nakakain ko sa huling padala!

Napangiwi si kuya ng wala sa oras sabay ayos ng nakasabit na tuwalya sa balikat, "Kalma kapatid!" itinuro niya ang litrato ni papa sa sala namin, "Namamaril ng madaldal si papa mula sa langit."

"Dinamay mo pa si papa!" bumaba ang tingin ko kay Baste na nakangiting nakatingala saakin. Panay rin ang wagwag ng buntot niya, mukhang nagugutom na.

"Kailangan ko ng tsokolate dahil kailangan ng utak ko," pagdadahilan pa ni kuya sabay kuha ng sipilyo sa ref at diretso sa banyo, "Kailangan ko ng sapat na enerhiya para magkaroon ng pasensya sa mga binibigay saaking files."

"Ang layo mo na sa topic," ikot mata kong sabi sabay bukas muli ng ref. Malalim akong napabuntong hininga at kinuha ang tatlong natitirang tsokolate, "Akin na itong tatlong chocolate ha!"

Biglang binuksan ni kuya ang pintuan ng banyo, dumungaw siya habang nanlalaki ang mga mata, "Anwo? Lahawt?!"

"Ang kupal mo naman kung hindi mo pa ibibigay saakin ang mga ito ano?" sinamaan ko siya ng tingin.

Ngisi ngisi kong isinilid ang tatlong tsokolate sa sling bag, damang dama ko ang naluluhang tingin ni kuya kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.

"Hindi lang naman ako ang umubos lahat!" pag-pigil pa saakin ni kuya habang sinusukbit ko ang aking sling bag sa balikat. Hindi ko siya pinansin at naghanda na lang ng pagkain ni Baste.

"Nagugutom na ang Baste ko," pangbe-baby ko kay Baste, mas lalo tuloy bumilis ang pagwagwag ng buntot niya.

"Gwen," pagma-makaawa ni kuya mula sa banyo, hindi siya makalabas kasi wala na siyang saplot.

When the Ink Dries (Zodiac Predators Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon