Chapter 8

153 17 0
                                    

"I hope it hurts like hell

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I hope it hurts like hell."

Tahimik lang kami ni ate Shaina sa pinaka peak ng palabas. Hindi katulad sa mga naunang parte na nagko-komento kami, ngayon ay ugong na lang ng aircon sa kwarto niya ang maririnig.

"John Coffey you have been condemned to die in the chair by a jury of your peers. Sentence imposed by a judge in good standing in this state. Do you have anything to say before sentence is carried out?" 

Nang makita kong nagiging emosyonal ang mga karakter ay napaayos ako ng pagkakaupo sa sofa at napainom ng tubig.

"Don't put me in the dark... I'm afraid of the dark."

"Alright, John."

Nagkatitigan kami ni ate Shaina at nagtawanan dahil parehas kaming maluha luha. Napatingala na lang ako para hindi matuloy.

"Ahhh ate, bakit ba kasi ito pa pinili mong palabas?"

Natawa na lang siya sa tinanong ko.

Hindi rin nagtagal ay natapos ang palabas. Sa totoo lang ay pangatlong beses ko na ito napanood. Una ay kasama si Levy, pangalawa ay kasama si Adie, at ngayong pangatlo na kasama si ate Shaina. 

"Paborito kasing movie ito ni Aseph," pagtukoy ni ate sa namayapa niyang asawa, napangiti na lang ako at napatango tango. "Ito din ang nag pabago ng isip ko sa death penalty."

"Pro for death penalty ka dati?"

"Ahuh," pagsagot pa niya. "Mikhail, my brother, died in a hit and run accident and my mom was murdered when I was still in high school." 

Malim na buntong hininga ang pinakawalan ni ate, "Simula nang mamatay si mama, nagkanda leche leche na lahat. Natuto akong pumasok at mag part time tuwing summer at nalubog kami sa utang dahil sugal at alak lang ang nagpapakalma kay papa. Wala na akong kapatid kaya mag isa kong tinanke lahat."

Wala sa ibinahagi ni ate Shaina ang hindi ko pa nalalaman, pero dahil pumasok na sa usapan namin ang namayapa niyang asawa ay taimtim pa rin akong nakinig habang nakatulala sa rumorolyong end credits sa telebisyon. 

Kahit pa pilit na pinapatunog ni ate na okay siya pag-usapan, ebidensiya pa rin sa boses niya ang pagka-miss sa asawa. Kung hindi ako nagkakamali ay sumabak siya sa field at iniwan ang pagtuturo dahil naniniwala siyang hindi pa dapat oras ni kuya Aseph nang mamatay siya. 

Kung mayroon man siyang kasama, mayroong paraan para mailigtas siya nang gabing iyon. 

Hindi ko alam kung panghihinayang ang nag d-drive kay ate kaya kahit hindi niya forte ay pinipilit niya gawing playground ang paghawak sa mga unsolved cases. 

"Hindi naging madali para sa akin. Hindi ako ganoon katalino at sakto lang ako dumiskarte. Gabi gabi kapag sobrang pagod na ako, umiiyak ako at tinatawag ko si mama. Kapag hindi naman ako makatulog, iniimahe ko kung ano ang buhay ko at kung ano ang lagay ni papa kung hindi nanlaban si mama sa nang holdup sakaniya," narinig ko ang pagtunog ng panga ni ate Shaina. "Kaya ang paniniwala ko, dapat parusahan ng kamatayan lahat ng taong kumukuha ng buhay, para maging patas sa mga nawalan."

When the Ink Dries (Zodiac Predators Series #3)Where stories live. Discover now