Chapter 14

121 16 3
                                    

2010

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

2010


"Sama sama po tayong aangat."

Isang nakakabinging sigawan ang maririnig mula sa madla. Napagilid ako ng bibig dahil dalang dala naman ang mga tao sa pangakong paniguradong hindi sila makikinabang.

Nagkatinginan kami ng mga kasamahan ko na nakadestino sa iba't ibang gilid ng venue— senyas na oras na naman para mag masid at mag lakad sa paligid kung mayroong kasuspe-suspetyang mga bagay o mga behikulo.

Habang naglalakad at natingin sa paligid ay dama ko ang tingin sa akin ng mga bata. Nakakatawa kapag naaalala ko kung gaano ako katakot kapag may nakikita akong pulis noon, maski security guard na may baril ay kinanginginig ko. Ngayon ay isa na ako sa kanila.

Kung hindi mapapaatras ay mamamangha ang mga bata sa baril na hawak ko.

"Ate, ate! Totoo iyan?"

Sinutsutan naman yung batang nagtanong sa akin ng kasama niyang nanay. Nang dumako ang tingin ko rito ay nag ngitian kami sa hiya.

Agad akong bumaling sa bandang kanan ng nilalakaran ko. May mga kapwa akong sundalo na tumitingin sa parking lot kasama ang mga aso nila. Paniguradong ipapa-double check pa sa amin iyon mamaya pag natapos ang unang parte ng programa.

Nang mag tama ang paningin namin ni Fuentabella ay nag-iwas agad ako ng tingin. Maraming nag-iisip na nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan dahil hindi tugma ang personalidad namin, o simpleng hindi lang namin gusto ang isa't isa.

Ang totoong sagot? Hindi sa ganoon.

Simula pa iyon nung training. Una ko nang nadama na ilag siya sa akin, sa hindi ko malaman at matanong na dahilan. Hindi rin naman kasi ako yung tipo na magku-kusang lalapit at magpuputol ng sikretong tensyon dahil una sa lahat, anong tensyon? Meron ba? O ako lang ang nag-iisip na meron?

Mababaw, oo. Kyuryusidad na pwede namang tapusin sa isang tanong lang, pero inaasahan ko na naman na hindi ako magkakaroon ng makabuluhang buhay panlipunan sa daang tinatahak ko.

Lalo na at alam ng lahat kung kaninong anak ako...

Siguro hindi big deal kung hindi kaming dalawa ang pinaka aktibo sa lahat ng trainees. Pero mayroon na akong kontrobersyal na background kaya ako pumasok ng kampo kaya hindi rin ako sigurado.

Saktong nakasalubong ko si Garcia— isa sa mga kasamahan ko rin na kasabay ko lang pumasok. Hindi katulad ko na ama lang ang nasa serbisyo ay buong pamilya nila ay mga sundalo. Pero sa pamamaraan ng pag tingin niya at pagtrato niya sa akin? Halata mo nang hindi niya ako gusto.

Nakapagtataka lang... Matalik na magkaibigan ang mga ama namin noong kadete pa lang ang mga ito. Pero ni minsan ay hindi kami nakatanggap ng letra ng pakikiramay mula sa pamilya nila nang mamatay si papa.

Hindi sa nanghuhusga ako.

Pero nakapagtataka lang.

Napahigpit ako ng hawak sa aking baril. Hindi ba ito naman ang dahilan kung bakit ako pumasok ng kampo? Kung bakit tinataya ko ang katinuan ko? Kung bakit pinili kong sirain ang relasyon ko kay mama? Para malaman ang katotohanan?

When the Ink Dries (Zodiac Predators Series #3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें