Chapter 12

129 13 0
                                    

Matapos ibaba ang tawag ay ipinatong ko sa night stand ang cellphone at tinitigan ang anim na nobelang iniwan ni Mr

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Matapos ibaba ang tawag ay ipinatong ko sa night stand ang cellphone at tinitigan ang anim na nobelang iniwan ni Mr. Lee. 

Iilan sa mga ito ay makapal, pero ni isa ay walang pumasok sa standard ko ng manipis. Napaisip tuloy ako kung saan kumuha si Mr. Lee ng sipag na isulat imbis na i-type na lang ang mga ito. 

"Gwen."

Napatingin ako sa may pintuan nang marinig ko ang katok at tawag ni Kuya Gray. 

Napaalis ako ng pagkakapameywang at napataas ng dalawang kilay. "Oh?"

Salikop ang dalawang palad niya nang magsimula siyang maglakad papasok ng kwarto ko, iyon ang unang napansin ko. Panay rin ang hinga niya ng malalim at buka ng bibig pero isasara niya lang rin mayamaya. Hindi alam kung paano magsisimula. 

Isang malalim na buntong hininga.

Napataas na ako ng dalawang kilay.

"Tungkol sa kapatid ni Sung-Min..."

Bahagyang bumaba ang isang kilay ko at napagilid ng mukha. Bigla namang sumabog ang milyung-milyong tanong sa utak ko.

"You mean... Si Mr. Lee?"

Agad siyang napatango at nagmuwestra ng kamay. "Tatanungin ko lang sana kung kilala mo sila parehas? Ang ibig kong sabihin, pati yoong kuya niya?"  

"Oo."

"Paano?" 

"Si Mr. Min Seok ay ilang linggo pa lang kasi..." napa ismid ako nang maalala ko ang unang pagkakataon na nagkita kami. "Siya iyong lalaking hiningan ko ng tulong noong naiwan ko ang gamot ko. Yung panganay naman ay nakausap ko ng ilang beses noong nakaraang eleskyon." 

"Nakaraang eleksyon?" nag bilang pa si kuya sa daliri. "2010?"

"Malamang kuya," sarkastikang sabi ko. "Noong naka assign ako para mag assist ng isa sa mga kandidato."

Namilog ang mga labi niya at tumango muli. Mukhang nalinawan na.

Napalunok ako. "Bakit?" 

Umiling siya, "Wala naman. Na surprised lang ako nang makita ko si Min Seok kanina. Kamukhang kamukha niya kasi yung kuya niya."

"Kilala mo yung kuya niya?"

Napagilid siya ng labi. "Naging kaibigan ko. Huling kita ko sakanya ay nung tinulungan ko siyang mag finalized ng manuscript."

Napatingin si kuya sa anim na nobelang ibinigay sa akin ni Mr. Lee. Tinuro niya ito bago lapitan at kinuha ang nasa ibabaw.

Tahimik ko siyang pinanood na i-scan ang una, pangalawa at pangatlong pahina. Kung hindi ako nagkakamali at kung ba-base ako sa ugali ni Mr. Lee ay pinag sunod sunod na niya ang mga ito base sa sequence ng bawat storya. Although nilinaw na niya na kahit anong unahin ko ay ayos lang.

When the Ink Dries (Zodiac Predators Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora