Chapter 10

133 14 0
                                    

"Gwen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Gwen."

"Hmn?"

"Pwede mo bang i-expla—"

"Jiji," walang lingon lingon kong tawag sakanya. "Alam kong marami kang gustong tanungin at sabihin kaya mag english ka na lang."

"I will never get rid of the accent if I do!" may kasama pang padyak ang pagmamaktol niya sa likuran ko. "But that's not the point! Tell me, sino iyong guy na nasa ibaba?"

"Don't you know him?" takang tanong ko. "Like, you know? Lukso ng lahi? Kung may ganun."

"Oh, he is a Korean? I knew it! But what do you mean if I know him? Helloooo Gwen, ang laki laki ng Korea!" dire-diretsong sagot niya. 

Mayamaya lang rin ay napailing siya nang mapagtantong nailigaw ko nanaman ang usapan, napangisi na lang ako habang iniipon sa kamay ang mga lumang drawing ko. 

"Wag mong ibahin ang usapan! Nawala lang ako ng ilang weeks, nagkaroon ka na ng isa pang male friend maliban kay Squidward?"

Umay akong tumayo at hinarap siya dahil hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagdidiin niya sa salitang friend. Hanggang ngayon ay binibigyan pa rin nila ni Adie ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Levy.

"Mr. Lee is a novelist," malumanay at magkadikit ang mga palad na paliwanag ko. May kasama pa iyong pag tungo, sanhi na gusto ko na ito na ang magiging una't huli kong ipapaliwanag sakanya ang tungkol kay Mr. Lee.

Bahagyang tumungo rin ang ulo ni Ji Eun, halatang ginagaya ako. "Aaaand?"

Mas lalo akong ngumisi, iyong tipong tatapat na ako sa singkit ng mga mata niya.

"And I am a freelance artist who has some valuable skills in making comics and possibly, basic animation," hinarap ko sakanya ang mga luma kong drawing. "He is a special client. Si Levy din ang nag introduce sa akin sa ideya na ito para sa dagdag kita."

Iyon lang at nilagpasan ko na siya.

"Special client?" dinig kong tanong niya matapos kong maglakad palabas, napaikot na lang ako ng mata dahil sa haba ng paliwanag ko ay iyon lang ang na tumatak sakanya.

"Guhweeeeen, what do you mean by special client?! I am genuinely curiouuuus," parang bata pa niyang habol.

Lumingon ako ng kaunti pero hindi ako tumigil sa paglalakad, "I'll tell you after you get rid of your accent!"

"Noooo!"

"Shut up!"

Nang makababa ay hinanap agad ng mata ko si Mr. Lee. Inexpect ko nang chinichika siya ni Adie kaya sa counter ako unang lumapit.

"Adie."

"Oh?" lingon niya sa akin mula sa cellphone niya, nanonood yata ng K-drama.

"Si Mr. Lee?" 

When the Ink Dries (Zodiac Predators Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon