Chapter 24

3K 203 48
                                    

"M-Mama,"

"Hhmmm?" Tanong ko habang nasa daan parin ang tingin ko.

"Bak-bakit sad k-ka?"

Napatingin naman ako bigla sa anak ko at kagat labing ginulo ko lang ang buhok nito.

"Bat mo naman nasabi na sad si Mama?"

"K-kasi, kasi..." Lumuhod ito sa passenger seat at pilit inabot ang mukha ko.

Kaya tinigil ko muna ang sasakyan para di kame maaksidente dalawa.

"S-smile na M-Mama." Pilit pa niyang i-angat ang gilid ng bibig ko para mapangiti lang ako. "Malung-kot ang m-mata mo Mama, k-kaya sad ka."

Kaya ibinigay ko naman sakanya ang isang matamis na ngiti, para lang sa anak ko, Na ikinatuwa naman niya.

I know she can sense my sadnesss.... Kaya wala talaga akong maitatago rito.

"Umupo kana dahil ihahatid pa kita sa school mo, baka ma late kana."

"I- I lo-love you Mama."

"I love you too." Pinanggigilang pinisil ko ang pisngi nito at hinalikan.

Masayang bumalik ito sa upuan at muling isinabit ang seatbelt niya.

Muli ko sanang paandarin ang sasakyan ko ng mapansin ko ang suot nitong kwintas. Kunot noo ko itong hinawakan at pinag masdan ang pendant nito.

It's a gold thin necklace. Sa sobrang nipis nito ay nadidikit ito sa leeg ng anak ko dahil sa pawis.

"San mo kinuha ito?" Napatingin pa ako kay Madison bago pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng pendant. "Galing ba to kay Tita Ayesha mo?" Muli kong tanong.

Si Ayesha kasi ang mahilig mamigay ng mga luho ng batang ito. Palibhasa spoiled sa Tita niya.

"N-no." Iiling iling na sagot nito.

"Then, Sinong nag bigay sayo?" Nag tataka kong tanong.

Nakayukong at nagiging malikot ang paningin nito sa akin na parang ayaw akong tingnan.

"Madison." Muli kong tawag rito na may pag babanta sa aking tinig.

"S-someone g-gave it to me."

"Diba sinabi ko na sayo na wag kang tatanggap ng kahit ano sa mga taong di mo kilala? What did I told you always Maddie."

"D-don't t-alk to strangers."

"Then ano to?"

"B-but she's not s-stranger."

"What? So sino? Kilala ko ba?"

Umiling lang ito bilang sagot at nagiging malikot muli ang paningin nito.

"Look at me when I'm talking to you."

Napatigil naman ito sa pag lilikot at dahan-dahang tumitig sa akin.

"Sino ang nag bigay sayo niyan?" Di ito sumagot dahil nakatingin lang ito sa akin. "Kilala kita anak, alam kong may hindi ka pa sinasabi kay Mama."

S-sorry." Nakayukong sabi nito at nag sisimula ng umiyak.

"Akin na yan." Nawawalang pasensiya kong utos.

Inilahad ko sa harapan niya ang palad ko para hingin ang kwintas nito.

Sumunod naman ito at tinanggal niya sa leeg niya ang kwintas at binigay sa akin.

"I hope this is the last time na may tatanggapin ka sa mga estranghero Madison. Do I make my self clear Madison?"

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن