Chapter 13

3.2K 232 33
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko ng makarinig ako na parang may nag papatugtog ng piano mula sa labas.

Kaya dahan-dahan akong napa bangon at napa upo sabay pag ka ngiwi ng maramdaman ko ang kaunting pag kirot sa likod ng ulo ko.

"What the......." Daing ko ng makita kong may maliit na gaza ang naka takip doon.

Napatingin ako sa kawalan dahil pinipilit ko e absorb sa utak ko kung saan ko ba nakuha ito. At parang doon lang nanumbalik ang lahat ng maalala ko ang lahat,

"Anong resulta anak?"

"It's negative.... Tama si Althea, she's not my wife."

Tama.... Dumeretcho agad ako kanina dito at may kaunting pag tatalong nangyari sa amin ni Valeri-- or should I say.... Ang huwad na babaeng kasa-kasama ko for almost a years ay si Rachel!!!

Muntik ko na siyang mapatay that time when I try to choke her, nadala ako sa galit ko ng malaman kong niliko at nilinlang niya kameng lahat lalong-lalo na ako. Kaya ko nagawa ang mga bagay nayon, kaso may biglang humampas sa ulo ko na ikinawala ko ng malay.

Flashback

Mabilis kong pinarada ang sasakyan ko sa labas ng bahay ng di man lang pinatayan ang makina ng sasakyan ko.

Napatigil ako sa pag pasok ng mapansin kong may sasakyan na naka parada sa loob ng gate namin kaya napatingin pa ako sa loob ng bahay kung may bisita ba kame o wala.

Ngunit wala akong marinig ng kahit ano man lang ingay mula sa loob. Muli akong nag lakad papaloob hanggang sa maka pasok ako ng bahay.

Pagka pasok ko pa lang sa sala ay bigla akong napahinto ng nabungaran ako ng isang matandang lalake na prenteng naka upo sa single couch na upuan.

Naka tungkod ang kamay nito sa kanyang baston habang nakatingin sa akin.

He looks familiar....

"Sino ka?" Gulat na tanong ko rito.

"Ganyan ba ang tamang pag bati sa akin Ayen."

I step one back ng marinig ko ang pangalan na yon, na ilang taon ko ng di naririnig sa tanang buhay ko.

I curse that name.

Umangat ang gilid ng labi nito at umiling iling na parang natutuwa sa nakikita niya.

"Bakit parang nagulat ka anak,"

"Anak?" Puno ng pangungutya kong sagot. "Di kita Ama kaya wag mo akong tawaging anak, sino ka ba at pano ka nakapasok sa pamamahay ko."

Nawala naman ang ngiti nito at biglang binaksak ang hawak niyang baston, Habang walang emosyon itong nakatingin sa akin.

Nakita ko na talaga ang matandang eto, diko lang talaga maalala kung saan.

"You change a lot Ayen--"

"Don't call me that, Athena ang pangalan ko." Pag puputol ko rito.

"Alright.... Athena,"kibit balikat pa nitong sagot. "Bakas sa mukha mo ang presensiya ko dito sa bahay."

"Buti alam mo, ngayon sagutin mo ang tanong ko, sino ka. At bakit ka nasa pamamahay ko." Taimbaga kong tanong habang pasimpleng pinasadahan ng tingin ang buong bahay.

Nasaan si Val-- or should I say, nasaan ang babaeng nag papanggap bilang si Valerie.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now