Chapter 21

3.4K 204 97
                                    

Walang imik lamang akong nakatanaw sa kalayuan habang naka tayo sa maliit na teresa ng silid ko, Tanaw ang kabuuan ng samot saring ilaw na nag mumula sa cuidad, napabaling naman ang paningin ko sa baba ng marinig ko ang tawanan at habulan ng mga pamangkin ko at ang mga kalaro nila.

Napa buntong hininga na lamang ako ng marinig ko ang mahinang katok na nag mumula sa labas ng kwarto ko.

"Ma'am, hinahanap na po kayo sa baba." Dinig kong sabi ng kasambahay namin.

Napatayo ang ng matuwid at ininom ang huling laman ng baso ko bago ko ito lingunin.

"M-mag sisumula na po daw."

Tumango lang ako at sinenyasan siyang umalis na. Maagap naman itong tumalikod at sinerado muli ang pintuan ng kwarto ko.

Lumapit naman ako sa whole body mirror para ayusin ang sarili ko, ayaw ko naman mag mukhang haggard sa bisita ng pamangkin ko.

Napatigil ako sa pag aayos ng sarili ko ng napatingin ako sa gawi ng tiyan ko, sinipat sipat ko pa ito habang nakata-gilid.

I think I need to go back on my workout, parang nakaka bilbil na ako.

Natatawang napa iling na lang ako ngunit agad naman nabura ng makita ko ang pag dungaw ng peklat ko sa dibdib, I slowly trace it hanggang sa diko napansin na tumutulo na naman ang luha ko.

Dali dali kong kinuha ang tissue na nasa make up table ko at nilinis ko ito agad-agad.

Why I am feeling weird..... Bakit ako napapa iyak because of that woman!!!! Damn Athena! Umayos ka nga, it's over. Wala na siya sa buhay mo and be thankful.

Mag iisang linggo na din ang dumaan mula ng ma rescue ako ni Althea, at mag iisang linggo na din akong malaya sa kamay ni Rachel.

Naka kulong ngayon si Rachel sabi ni Althea, nasa custody nila ito dahil on going pa ang kaso na sinampa nila Mommy Sandra sakanya.

Nang inuwi ako ni Althea pabalik sa bahay namin ay sinalubong agad ako nila Mama Ofelia at Mommy Sandra. Nandoon din sila Jade, Arabella at Sophia.

Tanging si Ayesha lang ang wala dahil nasa Santarini ito kasama ang pamilya niya.

Pero ang alam ko uuwi sila ngayon dahil sa kaarawan ng anak na panganay ni Althea na si Abby.

Gusto ko din siya maka usap ukol sa nakita kong pag tawag niya kay Rachel. Kung ang Ayesha na tumatawag kay Rachel noon at siya ay iisa. And I never mention it to Althea tungkol doon, gusto ko muna kumpirmahin lahat dahil kung pangungunahan ko si Althea siguradong pad dududahan din nito si Ayesha.

"Tita Athena."

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin ng mapansin kong nasa likuran ko si Abby.

Humarap ako dito at ngumiti.

"Bakit di ka pa bumababa Tita?"

"I'm sorry baby, nag aayos pa kasi ako." Nakangiting pinanggigilan ko pa ang pisngi nito at pinag hahalikan. "Happy birthday baby, eto pala gift ko for you."

Inabot ko dito ang isang kalakihang box at masaya naman niya itong tinaggap. Kinuha ko naman ang puting towel na nasa likuran nito at pinalit ko ng bago na nasa higaan ko lamang.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now