Chapter 34

3.3K 218 49
                                    

"Hindi kita sinamahan dito para buhatin ka lang Athena pa uwi, iiwanan talaga kita dito."

"Sino naman nag sabi sayo na mag papabuhat ako? Ha?!"

"Napapadami na ang inom mo--- hey kuya wag kana nga mag refill, hindi mo ba nakikita ni di na nga maidilat ng kasama ko ang mga mata niya!"

"Yuan, stop. Hindi pa ako lasing ok," paninigurado ko rito. "Sige na kuya isa pa."

"Pero ma'am." Napapakamot pa ito ng batok sabay tingin sa katabi ko.

"Don't mind her, epal lang yan--- aray!!" Napasapo tuloy ako sa ulo ko ng binatukan ako nito.

"Mamili ka, titigil ka o tatawagin ko si Althea---"

"Sabi ko nga titigil na ako. Eto naman, napaka sumbungera." Nakangiwing sagot ko.

Inurong ko na lang ang shot glass at pinag tuunan ng pansin ang mani na nasa harapan namin.

"Tsk... Kung di pa takutin di pa titigil." Patuloy parin ng panenermon nito.

Nag make face na lang ako para maibsan lang ang inis ko sa pananakot nito.

Sumbungrera......

"May problema ka ba?"

"Wala."

"Eh bakit napapadami ata inom mo?"

"Porket marami lang uminom may problema agad? Di ba pwedeng gusto ko lang??? Trip ko lang."

"Wag ako Guevara. I know you, matagal tagal na din tayong mag kakaibigan, kaya di mo ko maloloko. Hindi ka iinom ng ganyan kung walang bumabagabag sayo. Now tell me, makikinig ako."

Napabuntong hiningang napairap na lang ako sa mistisang instik nato.

"Nag kausap na kame ni Rachel---"

"Closure? Wow..." Natatawa pa nitong pang iinis para mapatalim ang tingin ko rito.

"OK, OK.... Chill parang kakainin mo na ako. Then what happened? Anong pinag usapan niyo?"

"Pinaki usapan ko siyang iatras ang kaso para hindi lang mawalay sa akin ang anak ko."

"Then?"

"Pumayag siya---"

"Na may kapalit." Agad nitong dugtong. "At ikaw. Right??"

Di ako sumagot at pinag tuunan ko muli ng pansin ang natitirang alak sa shot glass.

Di makapamiwalang napa iling na lang si Yuan at umikot patalikod para humarap ito sa harapan ng entablado kung saan may nag peperform sa pag kanta.

"Anong pasya mo?"

"I lend her time, para sa anak niya." Sagot ko at napa ikot na rin para humarap sa entablado. "We decided na, hahatiin namin ang bawat linggo para sa bata. MTW akin si Maddie, THFS sakanya, and Sunday susunduin ko pabalik ang bata so on and so fort....."

"Pumayag siya?"

"Oo."

"Without you?"

"Anong without you?"

"I mean, ikaw. Di ba kasali ka sa kondisyones niya."

"Hindi pa namin pinag usapan ang tungkol jan. Pero mas mabuti siguro na ang bata na lang ang habulin niya, dahil sa akin wala siyang mapapala."

"Wag kang mag salita ng tapos Athena, when it comes to you, nothing is impossible to that woman."

"Tsaka ko na iisipin yan, isipin ko muna si Madison, ang ikabubuti ng kinabukasan ng bata."

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now