Chapter 37

2.9K 178 51
                                    

Someone's POV

"Hanapin niyo!! Anjan lang yan, malalagot tayo kay Bossing sa oras na makatakas yan! Halughugin niyo ang buong lugar, wag kayong titigil hanggat hindi niyo nakikita."

Dinig ko mula sa tinataguan ko ang sigaw ng isa sa mga tauhan na nasa ibabaw lamang ng tinataguan ko. Mariin kong pinag sisikan ang sarili ko sa isang maliit butas para lang hindi ako makita ng mga humahabol sa akin.

Nanginginig ang buo kong katawan habang pilit pina pakalma ang mga kamay ko na walang hinto sa kakanginig at nababalot ng dugo ng taong tinatakasan ko ngayon.

Napuruhan ko siya at sigurado akong hindi na siya makaka ligtas sa saksak na yon. Madali ko nang matatakasan ang mga tao niya, ang kaylangan ko na lang ay makuha ang speedboat na nasa kabilang pier. Ngunit paano ko mapupuntahan iyon kung naka kalat ang halos higit isang daan niyang tauhan.

"Ikutan niyo ang buong isla, kayo dito sa kanan, ang iba sa inyo sumunod sa akin."

Dinig ko na lang ang mga yabag na na papalayo, kaya unti-unti na akong lumabas sa tinataguan ko at ng napag tanto kong wala ng tao ay agad akong tumakbo sa kabilang direksyon. Sa bilis ng takbo ko ay hindi ko na nagawa pang lumingon pa ng marinig ko na parang may sumusunod din sa akin sa patakbo.

Napatili na lang ako ng may biglang humila sa akin at agad naman tinakpan ang bibig ko habang isinandal ako sa puno.

Naka hinga naman ako ng maluwag ng makilala ko kung sino ito.

"Mike." Mahinang banggit ko sa pangalan nito.

Sinenyasan niya ako na wag maingay at tumingin sa likuran ko. May naririnig akong yabag na papalapit sa pwesto namin para mailabas ni Mike ang Jungle Knife niya at naka position para umatake.

"Nawala!!!"

"Bwisit!!! Hanapin niyo!!!"

Sigaw ng isa sa mga tauhan, para mag si kalat muli ang mga ito. Narinig ko ang pag tunog ng radyo nito na labis kong ikina kaba ng makilala ko ang boses nito.

"Tell me you found her."

"Bo-Boss.... Hindi pa eh--

"Punyeta!!!" Dumagundong ang boses nito sa sobrang galit. "Ang dami niyo para matakasan lang ng isang babae!! Halughugin niyo ang buong isla hindi makaka labas yan!"

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें