Chapter 32

2.7K 182 37
                                    

Ayesha

"Anong sasabihin mo?" Naka kunot noong napatingin si Athena sa akin.

Alanganing naman akong napabaling-baling ng tingin kay Althea at Arabella at malakas ang kutob ko na may alam na din si Ara about kay Madison dahil sa klase ng titig nito.

"May sasabihin kaba?" Muling tanong ni Athena sa akin para muli akong mapatingin sakanya.

Di ko napigilan mapa tulala habang naka titig sa mukha ng kapatid ko.

My Guilt really killing me......for what I've done to Athena and specially to my wife Zoe.

"Hey, Why are you crying? May problema ka ba? Nag away ba kayo ni Zoe?" Nag aalalang lumapit pa ito sa akin at sinilat silat ang pisngi ko sabay punas pa nito sa mga luha ko na wala atang balak tumigil sa pag agos.

Di ko man lang naramdaman na napapaiyak na pala ako.

Nakaka-konsensiya!!!!

"What's wrong?" Bakas na ang pag ka iritable niya ng wala siyang makuhang sagot mula sa akin.

Ngunit parang kinakain talaga ako ng kaba at wala talaga akong lakas ng loob na sagutin at sabihin ang katotohanan sa kapatid ko, duwag na kung duwag.

Pero dalawang bagay lang naman ang kinatatakutan ko, ang mawala silang pareho ni Zoe sa buhay ko sa oras na malaman nila ang totoo.

But she need to know Ayesha...... She needs your help. You need to tell her the truth.

For your Daughter,

"I need to tell you something," mahinang sabi ko ngunit sapat na para marinig ni Athena.

"OK, ano yun?"

"Please don't get mad at me Athena."

"Ano ba kasi yun Ayesha? Kinakabahan ako sayo ha. May problema ka ba? Naka buntis ka ba?"

"Just promise me, don't hate me..... Don't judge me.... Tao lang ako Athena. Nag kakamali rin."

"Spill the beans Ayesha, anong problema mo?!!" Biglang tumaas ang boses nito na ikina pitlag ko.

"I'm sorry... Sorry.... Athena, I'm...... I'm Madiso---"

"Yael,"

Agad kong nilinis ang luha ko at mabilis na tumalikod ng marinig ko ang boses ni Zoe na papasok pa lang sa library.

"Yes?" I try my best para hindi lang ako mapiyok kay Zoe.

"Umiiyak si Joey, hinahanap ka ng bata." dining ko ang pag lapit nito at pumunta sa harapan ko. "Andie broked her eye glasses and she can't see---" napatigil ito ng mapansin niya ang pamumula ata ng mata ko.

"Wait, are you crying? Why are you crying?!" Lumapit pa ito para hawakan sana mukha ko pero agad akong napa atras at tumawa ng mahina to ease her curiosity.

"No..." Nakangiting saad ko. "May pumasok lang sa mata ko---"

Pero hindi ito kumbisido at lumingon pa sa mga kapatid ko.

"Inaway niyo ba ang asawa ko." Pinag tuturo pa niya ang tatlo para ma pa taas ang mga kilay nito especially Arabella.

"We didn't do anything." Pag mamaldita ni Arabella.

"Baka siya pa nga ata ang may ginawa para umiyak siya ng ganyan." Makahulugang segunda naman ni Althea.

Habang si Athena ay tahimik lamang nakatitig sa akin. Ang mga titig na parang nakaka amoy na siya na parang may hindi tama.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now