Chapter 3

4.4K 248 42
                                    


"Pambihira ka naman Tsong oh-oh... Bakit ngayon ka lang?!" Salubong agad sakin ni Batchi pag kapasok ko pa lang ng deparmento.

"Wag mo akong simulan Batchi, wala ako sa mood." Sagot ko at tinungo agad ang elevator sabay pindot sa boton nito.

"Eh bakit nga ngayon ka lang? Kanina pa nag start ang meeting sa taas,"

"Andidito na nga ako di ba? Kaya tumahimik kana lang ok." Sagot ko at inabot ang Starbucks na pinabibili niya.

"Init ng ulo mo ah? Anong nagyari? Hhhmmm mukhang alam kona, nag talo na naman kayo ni Jade ano? At talo ka na naman sa asawa mong saksakan ng kamalditahan." Komento nito habang iniinom na ang kapeng bigay ko dito.

"Ano pa nga ba..." Walang ganang sagot ko rito.

"Ano na naman ba gusto ni Jade this time?" Pakuway tanong nito.

"Gusto na niyang sundan si Abby."Sagot ko dito.

Na ikinabilaukan niya, napatawa na lang ako sa itchura ng kaibigan kong to dahil sa pagka bigla.

"What?!! Para yun lang? Nag away pa kayo?"

"Di naman kame nag away ni Jad--"

"Ganun naman pala eh, eh bakit ang init ng ulo mo? Ang hina mo naman Tsong, wala ka sa kakambal mong si Ayesha.... Lakas ng kamandak ng kapatid mong un at naka anak pa ng kambal, Aba Tsong sa tingin ko dapat lang na ilaki mo pa ang lahi mo Ang laki-laki na din ni Abby, dapat lang na may kapatid ang inaanak ko,"

"Ok lang naman na sundan si Abby Tsong, ang kaso lang... Ayaw ko sa gusto ni Jade."

"Bakit ano ba ang gusto ng asawa mo?"

"Na ako ang mag dadala ng bata this time."

"Ano??? Hahahaha anak ng tokwa naman Tol, kaya pala san damakmol yan mukha mo dahil jan."

"Hindi nakakatawa,"inis na sabi ko dito sabay irap.

"Well." Tumikhim pa ito at sinandal ang braso sa balikat ko. "Bakit di mo subukan jumuntis, para--"

"Gusto mo ikaw jojombagin ko?!" Susuntukin ko sana ito ng biglang bumukas ang elevator.

Kaya iniripan ko na lang siya ng makita kong pangiti-ngiti pa ito sa akin,

Mag iisang oras din ang nag daan ay di parin natatapos ang meeting na nalandakan namin kaya bakod lamang akong nakikinig sa mga niririport na bagong malaking shipment sa Tondo.

Mula sa pakikinig ay napabaling ang tingin ko sa may pintuan ng makarinig ako ng ingay mula sa labas, ngunit muli na lang akong nakinig sa harapan ng biglang nag flash ang mga taong posibleng sangkot sa sindikato.

"Tsong, mukhang huhuli na naman tayo ng hipon nito." Bulong sa akin ni Batchi.

"Tumahimik ka," sagot ko na di man lang siya tinitingnan.

"Sungit!"

Inabot ko ang folder na bigay sa amin ng secretary at binuksan ang nalalamang files nito. Ngunit napatigil kameng lahat ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang mga kasamahan kong police at isang babaeng pulubi.

Naka suot ito ng punit-punit na damit na daig pa ang isang basahan at napaka-kalat din ng kanyang buhok, na parang ilang araw ng di nag susuklay.

Idagdag mo din ang dungis ng kanyang katawan pati na rin ang kanyang mukha na puno ng grasa.

"Lustre ano yan?!!"

"Sorry Sir, ayaw kasing mag paawat eh,"

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now