Chapter 31

3.3K 217 127
                                    


"Eh Ma'am, sinabi ko na po sakanya ung pina pa sabi niyo na ayaw niyo siya maka usap kaso namimilit po eh, di daw po siya aalis hanggat hindi daw niya po kayo nakaka usap." Pag papaliwanag nito habang sumusunod sa akin patungong veranda kung saan nag hihintay ang babaeng ayaw ko ng mag karoon ng kahit anong pang ugnayan.

Napa tigil ako sa pag lakad at inangat ang kanang kamay ko para patigilin ang kasambahay namin na walang atang balak tumigil sa kaka dakdak sa pag papaliwanag.

Agad naman ito napatikom ng bibig kaya sinenyasan ko agad na umalis na lamang.

Muli akong nag lakad patungong veranda para mapaalis ko na agad at matapos na ito agad. Napatigil ako sa pag hakbang ng nakita ko siya, she's facing back at me kaya diko tuloy mapigilan pag masdan ito mula ulo hanggang paa.

Napa kurap-kurap pa ako ng mata at napakagat labi na lang dahil sa ginawa ko.

Did I just check her out? Naramdaman ko talagang napatulala ako ng ilang segundo.

Stop it Athena, pakiramdam ko tuloy parang nanumbalik ang dati kong katauhan.....PSH.....

Napatingin muli ako sa kanya na busy parin sa pag tingin sa mga picture namin ni Madison na naka patong sa ibabaw ng piano ni Madison.

Pasimple pa akong tumikhim para kunin ang atensyon nito.

Napansin niya ata na may tao sa likuran niya kaya agad akong napa iwas ng tingin dahil nakatitig na ito sa akin at nagawa pa akong ngitian through my peripheral vision.

"Anong ginagawa mo dito?"walang emosyon kong tanong.

Nawala naman ng ngiti nito.

"Bakit mo drinap-out si Madison sa school?"

"Isn't it obvious? Gusto mong elaborate ko pa sayo?" May pag ka sarcastic ko pang tanong.

"Kung may issue ka sa akin, wag mong idamay ang bata--"

"I don't care," pag puputol ko dito. "I dont care about you, Rachel." Prangka kong sagot.

Napatigil naman ito ng panandalian sa sinabi ko na bakas ang sakit sa kanyang mga mata.

Huminga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, dahil hanggat maari ayaw kona sana makipag talo pa sakanya.

"Look Rachel, just..... Just stay away from us. Please." Puno ng paki usap ko at may halong didiin sa huli kong salita. "Madison is my life,  please wag mo siyang kunin sa akin.

Di ito sumagot at na nanatiling lamang nakatitig sa akin.

And I know that look, is not a good sign.

"M-Mama,"

Sabay pa kameng lumingon ni Rachel sa gawi ni Madison na nakatayo sa huling paanan ng hagdan, bakas na bagong gising pa lang ito.

Napansin naman niya ang babaeng nasa harapan ko kaya walang ano-ano'y tumakbo ito papalapit sa kanya.

"T-teacher, why are you h-here?"

Sasagot pa sana si Rachel ng agad ko itong pinigilan.

"Go to your room Madison."

"But M-Mama."

"I said go to your room."

Napalabi naman itong tumalikod sa amin, ngunit nagawa pa itong lumingon sa kanyang Ina at nginitian ito.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now