Chapter 11

3.2K 222 38
                                    

"Di ka rin nag mamadali Tsong ano? Over speeding na yan ginagawa mo. Baka mahuli tayo ng kapwa natin paroka. May problema ka ba? Nag away ba kayo ni Jade? Na out of the kulambo ka na naman ba sa bahay niyo?" Mahaba nitong lintanya at may kasama pang pang-aasar.

"Di nuh." Agad kong pag tanggi.

"Eh bat ang init ng uli mo?"

"Wala, wag mo na akong alalahanin." Sagot ko habang pinark ang sasakyan ko sa bakanteng mapaparkingan.

"Weh? Kilala kita Tsong, ano nga."

"Wala nga." Pag tatanggi ko muli.

"Ito naman, parang ibang tao naman ako sayo, sige na sabihin mo na."

"Wala nga. Bat ba ang kulit mo." Naiinis kong sagot bago pumasok sa loob ng elevator.

"Ok fine... Wala na kung wala." Pag susuko nito at sumunod sa akin sa loob. "Ano pa ba ang gagawin natin dito? Stable na ang kalagayan niya diba?"

"Gusto ko lang siya maka usap, mula ng magising kasi siya di namin siya maka usap ng maayos dahil nag dedeliryo pa ito."

"Oo nga Tsong, di kaya may lahing baliw ang Ate ni Valerie? Para--"

Di na nito tinuloy ang sasabihin ng lumingon ako dito at binigyan ng nakakamatay na tingin.

"Sabi ko nga tumahimik na ako." Pag suko muli nito at tumingin sa itaas.

Muli akong napa irap at napa buntong hininga na lamang.

Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas, didiretcho sana ako sa kwarto ni Dianne ng may naka agaw sa atensyon ko para huminto ako sa pag lalakad.

"Gomez!" Tawag ko dito para tumigil ito sa pag papa cute doon sa isang nurse na nasa nurse station.

"M-Ma'am." Sumaludo pa ito sa akin na bakas ang panginginig ng bibig niya.

Well you should be....

"Bakit ka nandito? At sino ang nag babantay sa pasyenteng dapat mong bantayan!"

"S-si.... Si... Fausto po Ma'am, an-andodoon po siya."

"Kahit na!!"

"So-sorry po Major."

Papagalitan ko pa sana ito ng maagap akong hinawakan sa braso ni Batchi at tinulak pa alis ang kasamahan namin.

"Tama na Tsong, ang init ng ulo mo."

"Pano di iinit ulo ko? Alam mo ng mainit si Dianne sa mga mata ng mga taong gustong pumatay sa kanya. Tapos lalamya lamya siya sa pag babantay." Taimbaga kong sagot.

"Nag sorry naman ung tao di ba?"

"Ah basta!! Naiinis ako sakanya."

"Alam mo tsong, minsan umaandar talaga yang pagiging childish mo. Kapag may di ka gusto, talagang umaandar yang pagiging masungit mo. Ewan ko sayo napakainit talaga ng ulo mo."

Sasagot sana ako ng may naka bangga ako ng diko sinasadya. Matutumba pa sana ito ngunit maagap kong nahawakan ang bewang nito.

"I'm sorry Ms." Hinging paumanhin ko dito at ginabayan siyang tumayo muli.

"Sorry din," hinging paumanhin nito at muling nag lakad papa layo.

"Wow tsong... Sexy nun ah. Tingnan mo nga naman, may sexy at fresh parin palang nurse dito sa hospital na to. Nung isang araw pa ako paikot ikot dito wala akong matipuhan para kasing tinakasan ng dugo dahil sa sobrang putla at haggard."

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now