Chapter 5

4.1K 240 36
                                    

Maaga akong nagising at pinili mag lakad-lakad at paminsan minsan doing my slight jog for my daily exercise routine.

Kahit sa pamamagitan na lang nito ay matulungan ko ang sarili ko, to boost more my immune system. Lalo pat isa ako sa mga madaling atakihin ng asthma....

Mula pag ka bata ko ay kaakibat kona ang pagiging hikain, sa amin mag kakapatid kame ni Ayesha ang pinaka lulit sa grupo.

But time goes by.... Kahit papano nako-kontrol ko na ang pagiging asthmatic ko, basta wag lang ako masyadong mapagod dahil sa oras na matriger ito siguradong hihina ako at maaring ikamatay ko pa.

Napatigil ako sa pag lalakad ng makarinig ako ng iyak ng isang pusa kaya ginala gala ko ang aking mata hanggang sa nahinto sa itaas ng isang puno.

"What are you doing up there little kitty?" Tanong ko dito at lumapit pa ng husto sa katamtamang taas ng puno.

"Meow.."

"Meow..."

Sagot naman nito na bakas ang takot at panginginig niya sa itaas ng puno.

Napatingin ako sa paligid ko para tumingin kung may tao ba na maaaring tumulong sa amin, ngunit pag minamalas ka nga naman ay mukhang tulog pa ang mga kapitbahay ko.

Sa bagay mag aalas singko pasada pa lang ng madaling araw, kaya no choice akong umakyat sa puno na di naman kataasan.

"Halika na, don't be afraid." Paki usap ko dito.

Di naman ako nahirapan dahil sumama lang ito sa akin hanggang sa bumaba na kame sa puno.

It's a gray stray cat, mukhang walang may ari dahil payat ito at may sugat siya sa kanang binti na may kunting pamamaga.

"As much as I love you to take you home, kaso di pwede....." Malungkot kong pahayag dito. "Di ka pwede sa bahay dahil bawal sa akin ang balahibo mo."

Binaba ko na ito at nag simulang mag lakad muli para maka uwi. Ngunit agad naman akobg napatigil at napakagat ng labing lumingon muli sa pusang iniwan ko.

Haaiiishhh....

"Come here you silly cat." Tawag ko dito at mukhang naintindihan naman ako nito dahil tumakbo pa itong papalapit sa akin.

"Mukhang kailangan ko ng umimbak ng madaming inhaler nito." Natatawa ko pang sabi sa sarili ko bago simulan mag lakad.

"But I'm sure, Valerie gonna love you.... Dahil mahilig siya sa pusa."

Mag aalas sais ensakto naman ako naka uwi sa bahay kaya malamang gising na rin si Valerie.

Dumiretyo ako ng kusina at tama nga ako dahil andodoon na ito at nag luluto ng pang agahan namin.

Kumuha ako ng tubig sa ref bago umupo sa center island ng kusina. Mukhang napansin ako nito dahil agad itong lumingon at ngumiti sa akin.

"Good morning." Nakangiting bati nito.

"Good morning  too..." Sagot ko dito at tumayo mula sa pag kaka upo.

Lumapit ako dito at niyakap siya ng mahigpit mula sa likuran at pasimpleng inamoy amoy ang leeg nito.

"Nag jogging ka na naman?"

"Nope, nag lakad-lakad lang ako to gain some extra strength."sagot ko dito habang sumusubo ng pritong itlog.

"But still, pinagod mo sarili mo--wait, ano yan?" Tanong nito ng mapansing may gumalaw sa loob ng jacket ko.

Kinuha ko mula sa loob ng jacket ko ang pusa na nakita ko kanina at pinakita ito sakanya, I'm expecting her to shout for joy, kaso biglang nawala ang ngiti nitong napatingin sa akin.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now