Chapter 38

8.8K 298 215
                                    


Hawak-hawak ko lang si Madison habang nakatitig lamang siya sa mga batang nag sisitakbuhan sa tabi ng dalampasigan, alam kong naiinggit siya at gusto niyang sumali ngunit nangingibabaw sakanya ang hiya.

Nakatago lamang kasi ito sa likuran ko habang panaka-nakang sumisilip habang kinakagat-kagat ang kuko nito.

"You want to join them Madison?" Tanong ng katabi ko para mapa irap lamang ako.

Kanina pa ito nag papansin alam kong he's trying to make a conversion between us.

"Wag ka ng mahiya, andoon naman si Paige eh," tukoy nito sa anak niya. "Teka tatawagin ko---"

"Wag na Felix, hindi din yan pupunta." Pag pipigil ko rito ng tawagin sana niya anak niya.

"But Athena, she needs to mingle to other kids para hindi siya ma---"

"I said.she'll.be fine." Medyo madiin kong sabi at tumingin pa sakanya. "Felix." Pinal kong sagot.

Mukhang alam naman niya ata ano ang gusto kong iparating dahil itinaas na lang niya ang dalawa niyang kamay bilang pag suko.

"Alam mo Athena, honestly, napapansin kong nag bago na din ang pakikitungo mo sa akin, medyo malamig may problema ba tayo?"

Nag tanong ka pa?!! (Insert sarcasm)

"Hindi ko alam ang mga pinag sasabi mo." Pag tanggi ko.

"Yes you know, because of Carmela---- I mean Rachel? Right?"

"No." Agad kong tanggi.

"Then bakit ganito ang trato mo sa akin? Ni hindi mo na dinadala ang anak mo sa clinic ko for her speech therapy. Parati mo akong binabara, parating maiinit ang ulo mo sa akin, why? Anong dahilan Athena?"

"I said nothing!!!" Ang kulit.

"M-mama, are you two figh-fighting?" Mariin lamang akong napapikit ng nakalimutan kong nandidito pala sa tabi ko ang anak ko.

"No, we're not baby." Pag tatanggi ko sabay yapos sa pisngi nito.

Pinalakihan ko ng mata si Felix para iparating na makisama siya sa sinabi ko.

"Yes baby---- I mean.... No, Madison, we're not fighting. Nag uusap lang kame ng Mama mo." Malambing nitong sagot sa anak ko.

Tinitigan lang siya ni Madison bago ilipat sa akin.

"M-mama, I'm tired. I w-want to s--sleep," nag papabuhat na ito kaya agad ko naman itong binuhat at hinele sa balikat ko.

Wala pa kasi kameng kwarto dito sa Siargao. At hanggang ngayon hindi pa bumabalik ang mga co-teacher ni Rachel mula sa reception area para kausapin ang mga head ng resort dito.

Habang ang ibang mga parents ay pasensyosong nasa lobby nag hihintay, na di naman kalayuan sa amin.

"Mukhang nag ka problema ata sa reservation." Muling nag salita ang katabi ko para mapa tingin ako sakanya.

"Sana inayos nila, bago sila nag set ng field trip na ito. Dapat ito ang unahin nila lalo pat sa haba ng biyahe natin patungo sa lugar na ito eh talagang kwarto agad ang hahanapin natin, sana consideration naman sa pagod ng byahe natin, pahihintayin pa tayo." Medyo naiinis kong turan.

Nag kibit balikat lamang si Felix at muling tinuon ng pansin ang anak niya na nag lalaro ng buhangin.

Bigla naman tumunog ang telepono ko kaya kahit hirap man ay pinilit ko itong kinuha sa likod ng pantalon ko.

"Hello?"

"How's your family day my Athena?"

"Eto, mag iisang oras na kame naka tenggwang dito sa labas,"

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now