Chapter 4

4.2K 245 39
                                    

Athena

"Could you please...." Nawawalang pasensiyang utos ni Althea sa akin. "Just please sitdown, nahihilo ako sayo Athena!"

Agad naman ako hinila ni Arabella paupo sa tabi niya para di lang ako masabunan ni Althea,

"Umupo kana, kanina pa yan nagtitimpi sa kaka ikot mo." Bulong sa akin ni Arabella.

Napatingin muli ako kay Althea ng inirapan ako nito at muling tinuloy ang pag babasa niya ng dyaryong hawak.

Tsk... Napaka maldita talaga minsan ng babaeng ito.

Halos di kasi ako mapa kali sa papa rito't paroon dahil sa kaka hintay na matapos nilang paliguan si Valerie sa itaas.

Mag iisang oras na sila ngunit hanggang ngayon ay di pa sila tapos. Ganon ba ka dumi si Valerie?

Nanumbalik lang ako sa katinuan ng naramdaman kong isinandal ni Arabella ang ulo niya sa balikat ko na bakas ang pagod.

"Tired?" Tanong ko dito.

"Sobra." Sagot nito na habang naka pikit.

Nakangiting tinuloy ko na lang ang pag basa sa magazine na hawak ko, ngunit napatigil ako ng mapansin ko ang kaseryosohan ng mga titig ni Althea sa akin.

Galit nga talaga.....

Nilihis ko na lang muli ang paningin ko para maiwasan ang init ng ulo nito.

Gustuhin ko man siya pasalamatan dahil inuwi niya si Valerie, but I think this is not a good time.... Mainit ang ulo kanina ko pa napapansin.

"Excuse me po,"

Sabay-sabay kameng napatingin sa kanan namin ng lumitaw ang kasambahay.

"Pinatatawag na po kayo ni Madam Sandra."

Unang tumayo si Althea at nauna ng naglakad patungo sa hapag kainan. Sabay naman kameng napatayo ni Arabella ngunit napatigil ako sa bandang hagdan ng di parin bumababa si Valerie.

Puntahan ko kaya?

Nakaka isang hakbang pa lang ako ng mapansin ko ang pag pasok nila Ayesha at Zoe, na kadadating pa lamang....

"Hi Athena." Bati agad sakin ni Zoe pagkakita nito sa akin.

Ngumiti ako dito at hinalikan ang pisngi nito,

"Sila Mama Ofelia at Mommy Sandra?" Hanap naman ni Ayesha kina Mama.

"Nasa hapag na, tamang-tama lang dating niyo dahil kakain na tayo."

"Ano nga pala ung sinasabi mo kanina na ipapakita niyo sa amin ni Zoe? At first time kong narinig na bakas ang tuwa sa iyong tinig Athena."

"I found her Ayesha...." Masayang sabi ko dito.

"Who?" Kunot noo nitong tanong sa akin.

"I mean, Althea found her..... At nandidito na siya."

"Sino nga." Nawawala din nitong pasensiya.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now