Chapter 6

3.8K 223 74
                                    

"Magandang umaga Ms. Guevara,"

"Good morning too kuya, anjan ba si Arabella sa loob?"

"Yes Ma'am, kadadating lang po niya. Mukhang may meeting ata sila ngayon 9am."

"Ganon ba, thank you." Nakangiting pag sasalamat ko rito.

Agad kong tinungo ang elevator at pinindot ang floor ng opisina ni Arabella, di pa nga ako sure kung nandon pa ba yun o baka nasa meeting na nila. Sana hindi pa nag simula dahil sigurado akong matatagalan sila.

"Look sis oh, si Ma'am Arabella ba yan?"

"Sa tingin ko hindi, kasi nasa itaas na si Ma'am Arabella kasama ang asawa niya."

"Kung gayon, isa yan sa kakambal ni Ma'am? O my God Sis, ang swerte naman natin....bihira lang nag papakita sa iisang lugar ang mag kapatid na Guevara."

Napa ikot na lang ako ng mata sa mga naririnig ko.

What's the big deal for being a Guevara?

"Actually girl, apat daw yan sila... At napaka swerte ko dahil na meet ko na ang tatlo sa kanila including this woman in front on us,"

"Talaga? Mag kakamukha ba talaga sila lahat?"

"Oo iisang mukha lang, kaya lang may ibat ibang ugali sila mag kakapatid, isa sakanila ang mabait na na encounter ko, sa pag ka alala ko tinawag siya ni Ma'am Ara ng Ayesha, laging nakangiti sa amin nung pumunta siya dito minsan sa company nila. While si Ma'am Arabella medyo may pag ka sulplada.. Palibhasa sopistikada gaya ni Madam Sandra. Eto sa harapan natin diko alam anong ugali meron siya, pero mukhang mag ka ugali sila ni Ma'am Arabella, di kasi marunong ngumiti sa mga empleyado gaya natin."

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now