Chapter 2

5.4K 249 46
                                    

"Monday ngayon di ba?"

"Oo... Bakit?" Sagot at tanong ko habang nag hahanap ng ma paparkan ng sasakyan.

"Kaya pala ang daming kotse, ngayon dito. Visiting day pala," sagot ni Sophia.

Napasandal na lang ako sa upuan dahil medyo naiinis na ako sa kakaikot sa buong parking lot ngunit wala parin akong makitang mapaparkan.

Napahiyaw naman si Sophia ng may biglang kumalampag sa bintana bandang gawi niya kaya binaba nito ang salamin para kausapin ang taong may gawa non.

"Bat ang tagal niyong umusad? Di niyo ba nakikitang may mga sasakyan din nakasunod sa inyo." Bakas ang galit ng matabang lalake kay Sophia.

Mukhang jail guard dn ito base sa suot niyang uniporme.

"Sir, pasensiya na... Nag hahanap pa kasi kame ng mapaparkingan. Pasensiya ulit Sir uusad na kame,"

"Aba dapat lang!! Perwisyo na nga kayo sa trabaho ko! At ikaw nama---" napatigil naman ito ng bumaling ang tingin sakin.

Naka taas kilay ko siyang tiningnan na nag hihintay kung ano ba ang sasabihin nito. Ngunit bigla itong napatayo ng deretyo at sumaludo pa sa akin.

"K-kayo po pala Major Guevara, p-pasensiya na po, aahh--ahhh wal-wala po ba kayo mapaparkingan?"

Nag katinginan na lang kame ni Sophia na may halong pag pipigil sa pag tawa. Dahil alam namin na napag kamalan ako bilang si Althea.

Pati ba naman dito, kinatatakutan ang kakambal kong yun...

Pero kukunin na namin itong pag kakataon para maka hanap na ng mapaparkingan dahil mag tatakip silim na din. Kunting oras na lang kame meron para maka usap ang Ina ni Sophia. Hindi ko na ito ipapa bukas pa o susunod na araw dahil atat na atat na akong matagpuan at mahanap si Valerie.

"Oo---"napatigil pa ako sa pag sasalita at pasimpleng tumingin sa name plate na nasa dibdib niya. "Oo sana Santos, kasi may kukunin lang akong mga report sa loob.... Ngunit mukhang na okupahan na lahat--"

"Ay Ma'am, ako na ang bahala sa sasakyan niyo. May alam akong mapaparkan niyan, sige na po... Pumasok na po kayo para maasikaso niyo na ang kukunin niyong report." Nakangiti pa nitong sabi.

"Sige, kaw na bahala ha.... Salamat," pag papasalamat ko dito at lumabas na ng sasakyan.

"No problem Ma'am"

Ngumiti lang ako dito at pumasok na kame ni Sophia sa loob. Dinig na dinig ko pa ang sigaw ng police kausap ko kanina mula sa loob habang busy si Sophia sa pag susulat ng pangalan sa log book.

"Marcus!!! Alisin mo yang bulok mong sasakyan jan at gagamitin ko ang pwesto para kay Major!"

"Sus!! Sipsip ka lang kay Major Guevara eh! Ang tapang tapang mo kanina, titiklop ka lang nman pala eh!"

"Manahimik ka bansot!"

"Sipsip!"

"Kayo po pala yan Major,"

Napabaling ang tingin ko sa harapan ng mag salita ang police na nasa information desk.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)On viuen les histories. Descobreix ara