Chapter 1

10.2K 308 66
                                    

"Ma'am Athena,"

"Ma'am? Gising na po ba kayo?"

"Ma'am,"

Halos mapudpod na ata sa kaka-katok ang kasambahay namin sa labas ngunit wala akong balak na sagutin siya o pag buksan man lang.

Gusto kong maka pag isa, Tahimik akong naka mukmok sa study table habang naluluhang sinasalin ang alak sa baso, ramdam ko ang init na dumaloy sa lalamunan.

I still hearing her nosy knock kaya napa irap na lang akong napa-patong ng paa sa lamesa bago uminom ulit.

"Ma'am Athena. Bumaba na daw po kayo."

Naiinis na napatayong hinagis ko sa pader ang basong hawak ko at nag lakad patungo sa pintuan at binuksan ito.

Sisitahin ko sana ang kasambahay namin ngunit napatigil ako ng di ang kasambahay namin ang nasa harapan ko ngayon, naka sandal ang dalawang kamay nito sa frame ng pinto at bakas ang pag ka inip kaya ang sama ng tingin na pinupukol sa akin.

Napalunok naman ako wala sa oras at inayos ang sarili ko bago tumikhim.

"A-Althea," nauutal kong sabi rito.

"Lalabas ka, o kakaladkarin kita papalabas."

"K-kukunin ko lang susi ko ng k-kotse, sandali--"

Napahinto ako sa pag sasalita ng biglang humakbang sa akin si Althea at tumayo sa harapan ko. Inilapit nito ang ilong niya sa bibig ko at inamoy ito.

"Your drinking,"

"K-kunti lng nama--"

"AGAIN!!"

"Althea,"

Walang ano-ano hinawakan ako sa braso nito at hinila pababa ng sala, kung nasan naabutan ko si Jade na nag hihintay,

Bakas ang pag aalala sa mukha nito ng makita niyang nakangiwi akong nag papatangay kay Althea,

"Let's go Jade."

Sumunod naman samin si Jade at nauna ng pumasok sa sasakyan ni Althea.

"Althea, I forgot my keys."

"Sa amin ka sasabay." Walang emosyong sagot nito at sumakay na din ng sasakyan.

Naiinis na napakamot na lang ako ng ulo at pumasok na rin sa likuran ako pumwesto.

Nag simula ng umandar ang sasakyan nito hanggang sa naka alis na kame, nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang tinatanaw ang mga gusaling dadaanin namin.

Minsan naririnig kong nag uusap ang mag asawa pero wala doon ang atensyon ko kundi sa mangyayari mamaya sa oras na dadating kame sa patutunguhan namin.

Diko alam pano ko patutunguhan ang pamilya Villamor matapos ang pag baril ko sa anak nila, mag iisang linggo ng lumipas at ngayon ay ihahatid na sa huling hantungan si Rachel.

Kinakabahan kasi ako sa kalalabasan sa oras na makikita ako ng mga Villamor, sabi kasi sakin ni Ayesha ay galit na galit ang mga Villamor sa akin, maski si Zoe ay di ako kinaka usap kapag nag kikita kame sa Mansion.

Di nga sana ako dapat pupunta, pero pinilit ako ni Althea.

"Athena,"

Bumalik lang ako sa kasalukuyan ng narinig ko ang boses ni Jade.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now