24

1.2K 65 3
                                    

J

"Hi..."

Oh myyy! Bakit ba di ako naghilamos muna bago nagbukas ng pinto ng unit.

"Hi, Jema. Good morning, for you." waahhh. Deannaaaa. Ang pangit ko, pero ang cute ng smile niya.

"Jema, ayaw mo ba nitong flowers na dala ko?" pacute niyang sabi. Di ko pa pala naaabot yung dala niyang flowers.

"Gusto. Pero ang panget ko." huhuhu. Bakit ba kasi walang pasabi tong si Deanna. Kakagising ko lang.

"It's okay, Jema. I still love you!" then, she leaned closer.

"Hep! Bawal." pigil ko sa kanya.

"Di mo ba ko namiss?"

"Namiss, pero may ipapaliwanag ka pa sakin."

Inaya ko muna siyang pumasok sa loob ng unit ko. May dala din pala siyang breakfast.

"Peace offering ba to?" biro ko sa kanya pagkalapag ko ng pagkain sa table dito sa living room. Umupo ako sa tabi niya.

"Yes, baby hihi."

"Loko! Nasaan ka ba kahapon? Nag alala kaya ako."

"I know. And I'm sorry, Jema talaga. Ang dami ko lang iniisip kahapon."

"Nakapag register ka na ba?"

"Hindi pa."

"Bakit? Ano ka ba, mag enroll ka na."

"Nagbayad na ko. Wait, Jema, let's talk muna. Wag muna about academics. Nakakastress eh."

"Okay, okay. Thank you pala sa breakfast."

"Labyu! Hehe." daming alam talaga nito, ang harot!

"So, nasaan ka nga kahapon? Pati si Kim hindi alam kung nasaan ka."

"Nagkape lang ako. Nag unwind."

"Okay ka lang ba, Deanna?" para kasing problemado siya.

"Oo, Jema. Okay na ko." as I see it, parang hindi naman siya okay. Para siyang di mapakali. Di naman siya ganito.

"Ano bang problema?" nag aalala na talaga ako.

"I'm okay, Jema. Ikaw, kamusta ka? Yung review mo?"

"Di nga, Deanna? Anong problema? Makikinig ako."

"Ikaw talaga, Jema. Masyado kang nag aalala sakin, kikiligin na ba ko? Hehe." nagagawa pa talaga niyang magbiro kahit obvious naman na di siya okay.

Hindi ko na lang siya pipilitin, baka ayaw niyang pag usapan.

"Kahit kailan talaga ang kulit mo. Di ka man lang nagsabi na pupunta ka pala dito."

"Surprise nga baby eh. May gagawin ka ba ngayon?"

"Bakit? Aayain mo ba kong mag date?" hahaha, inunahan ko na siya.

"Hindi." awww.

... "Aayain kitang magpakasal...." what?!

😳

... "Soon, Jema! Mwaaah..."

Grrr... Akala ko!

"Uy, Jema... Di ka na nagsalita dyan?"

"Hello, Jema? Date tayo ha? Hehe."

"Oo na."

"Galit, Jema? Hehe." kinikilig pa kasi ako hihi dapat di niya mahalata.

"Ano ka ba, hindi. Kain ka na dyan, maliligo muna ako. Libre mo ah."

"Of course, love!"

----------

D

Hindi ko na sinabi kay Jema yung problema ko, di naman makakatulong sa kanya yun. Ayoko ng mag alala pa siya sakin, makakadistract lang sa pag aaral niya yun.

"Kamusta naman grades mo, Deanna?" naglalakad lakad kami dito sa labas ng mall.

Grades ko na naman. Ayoko na ngang maalala yun, di ko pa nga alam paano ieexplain sa parents ko yun lalo na kay daddy.

"Ano ka ba, Jema. Mag relax muna tayo, wag muna natin pag usapan yun. Don't worry, I'm good. Promise, gagraduate ako on time."

"Promise that to yourself, Deanna. I'm here to support you naman."

"Thank you, Jema. Where do you wanna go na?"

Kanina pa kasi kami lakad ng lakad. Di ko naman alam kung saan kami pupunta.

"Let's just sit here na lang muna."

Umupo kami ni Jema dito sa parang park sa labas ng mall. Konti lang yung mga tao ngayon, weekday din kasi.

Tahimik na lang kaming dalawa. Nakatingin dun sa mga naglalakad sa daan. Di ko na din alam ang sasabihin ko.

"Deanna..." tawag niya sakin.

"Seryoso ka ba talaga?" parang ang seryoso ni Jema ngayon.

"Seryoso saan, Jema?"

"Sakin, satin."

"Di naman ako magtityaga ng ganito katagal, Jema kung di ako seryoso. Tulad ng sabi mo non, nung una, madaming magaganda dyan, madami akong makikilala. Tama ka nga, pero iba ka pa din."

"Paanong iba?"

"Sayo ako masaya eh."

"Di ka ba masayang kasama yung mga kaibigan mo? O yung ibang nakakasama mo, kaklase, kakilala ganon."

"Masaya din naman. Pero pag ikaw kasama ko, kahit nag momovie marathon lang tayo o kahit yung ganito na tahimik lang tayo, ang saya saya ko pa din. Ang saya ko pa din kahit wala namang special sa ginagawa natin."

Totoo naman eh. Pag si Jema ang kasama ko ang saya ng pakiramdam ko. Nakakalimutan ko din yung mga problema, nawawala yung pagod ko.

"Pareho lang pala tayo ng nararamdaman, Deanna."

"Talaga, Jema?"

"Oo, Deanna. Nakakatakot tuloy."

"Nakakatakot?"

"Gusto ko kasi mag doctor eh. Di ko ata kayang hatiin yung oras ko para sayo at sa pangarap ko."

"You don't have to, Jema. Di ako magiging kaagaw ng pangarap mo, I'll support you. I won't ask for anything. Kaya kong maghintay."

Wala naman akong balak agawin yung oras ni Jema sa mga pangarap niya. Gusto kong samahan siyang makuha yun. Gusto kong makitang matupad niya lahat yun.

"Bakit ang swerte ko sayo, Deanna?"

"Ako yung swerte sayo. Kasi hinayaan mo ko sa buhay mo kahit di mo naman talaga ako kilala non. Bakit nga ba, Jema?"

Medyo matagal bago siya sumagot. Gusto kong malaman kung bakit nga ba niya ko hinayaang pumasok sa buhay niya.

Di ko na rin namalayan yung panahon. Magtatatlong taon na din pala kaming magkakilala ni Jema. Tatlong taon ko na din siyang sinusuyo, ni di ko alam kung may patutunguhan ba to.

"Hindi ko rin alam, Deanna. Basta ang alam ko, ang gaan na agad ng pakiramdam ko sayo nung una pa lang kitang nakita. Alam mo yung pakiramdam na alam mong makakasundo mo yung tao."

"I see, Jema. May patutunguhan ba tong ginagawa ko, Jema? Tanong lang naman, okay lang kung di mo sasagutin."

"Napapagod ka na no?"

"Uy hindi ah. Gusto ko lang naman malaman."

"Sabi sayo mahirap akong mahalin eh."

"If it's hard, it's worth it, Jema. I can wait."

"It will all be worth it, Deanna. Soon."

----------

🙋

Happy New Year, everyone! 🙂

With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon