23

1.4K 82 25
                                    

D

January 2018

"Deans!"

Alam ko kung sino ang tumatawag sakin pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa phone ko.

"Huy! Deans, ano di mo na ko kilala? Nagbagong taon lang di ka na namamansin?" si Kim.

"Natulala ka dyan? Ano ba yan? Tara na, magpalista na tayo sa block."

Imbes na excited ako mag enroll at mag asikaso para akong nawalan ng gana. Gusto ko na lang magkulong sa kwarto.

"Magsalita ka nga, Deanna!"

"Uwi na lang ako, Kim." sabay tayo ko.

"Ha? Bakit? Ngayon na tayo magpa register para di mahaba pila."

"Ayoko nga. Wala akong gana, tinatamad ako. Inaantok ako. Ewan. Sige na, aalis na ko. Sumabay ka na lang kina Kath." naglakad na ako paalis, di ko na nilingon si Kim. Tinawag niya pa ko pero nagmadali na kong mag lakad.

Ayoko muna dito, gusto kong umalis. Yung malayo dito sa school.

Naisipan kong magpunta sa CCP, sa may harbour square. May starbucks kasi dun at konti lang ang tao.

Pinatay ko ang phone ko habang nagdadrive papuntang harbour square. Ayoko muna ng kasama o kausap. Gusto kong mapag isa.

Pagdating ko, umorder agad ako ng kape at umupo sa labas, yung sa tabi ng mga yate. Ang payapa lang sa pakiramdam.

Tinignan ko ulit yung final grades ko sa phone. Hay, konti ihip na lang laglag na tong mga subjects ko. Swerte ko lang nakaabot pa.

Paano ko sasabihin kina dad tong grades ko? Ano na lang sasabihin nila? Nag aaral naman akong mabuti pero hanggang dito lang ang nakayanan ko.

----------

J

Kanina ko pa tinatawagan si Deanna pero patay ang phone niya. Pati si Kim nasalubong ko na dito sa school, hindi rin alam kung nasaan siya.

Ano kayang nangyari dun?

"Jema, okay lang uwi na ko? Dun kasi ako sa tita ko uuwi muna. Sa pasukan na ko babalik ulit dito."

"Oh sige, Kim. Ingat ka pauwi."

"Jema, balitaan mo ko pag nacontact mo na si Deanna ah? Tatawagan ko din siya babalitaan kita. Ingat ka, Jema."

"Sure, Kim. Thank you."

Nasaan ka na ba, Deanna?

Anong oras na di ko pa din siya mahanap, patay pa din ang phone niya, mag gagabi na. Sabi ni Kim kaninang umaga niya huling nakita si Deanna.

Pinuntahan ko lahat ng kainan at tambayan kung saan madalas kaming pumunta pero wala naman siya dun.

Pati si Kim nag uupdate sakin, natanong na daw niya lahat ng kaibigan nila pero walang nakakita kay Deanna.

Ano bang nangyayari kay Deanna? Okay naman siya kagabi nung magkausap kami. Tapos biglang ngayon, wala man lang paramdam.

Hindi ko na alam kung saan pa siya hahanapin, kahit si Adi hindi alam kung nasaan siya.

Tinawagan ko ulit siya pero wala talaga, nag message na lang ako sa kanya at saka lumakad pauwi ng condo.

Napagod na ko sa maghapon pag aasikaso ng requirements ko for enrollment. Gabi na din, hindi pa ako kumakain. Tatawagan ko na lang ulit si Deanna pag uwi.

----------

D

"What are you doing here?" bungad sakin ni Adi pagbaba niya sa lobby ng condo.

With A SmileWhere stories live. Discover now