10

1.2K 83 25
                                    

J

August 9, 2016
First Semester (A.Y. 2016 - 2017)

This is it! Last year in my pre-med course. Konti na lang matatapos ko na. One month before mag start ang semester bumalik na agad ako dito sa Manila. Inayos ko yung mga requirements ko for internship at schedule ko sa school. Sa Manila doctors ako mag iintern, excited na nga ako sobra.

Ang tagal kong inantay tong internship kaya pinagbutihan ko talaga ang pag aaral ko, ayokong ma-delay. May pinasa lang akong ilang requirements sa school, hindi na ako masyadong mag lalagi sa school, mostly ng oras ko sa ospital na.

Internship, thesis, seminar at isang subject ang load ko ngayong sem. Mabigat talaga, mas kailangan ko ng matinding time management at no distraction at all.

Nag message sakin si Deanna kanina, tinatanong niya kung may gagawin ako bukas. Di pa ko nakakapag reply, ang dami ko kasing inasikaso sa school kanina. Next week pa ang start ng internship ko pero sa uste start na ng regular class ngayon.

Di pa nga kami nagkikita ni Deanna eh, nitong weekend siya nakabalik pero nasa Laguna ako non. Umuwi ako ulit kasi alam kong di na ko makakauwi pag nag simula na ang internship ko. At maalala ko, nag birthday nga pala tong si Deanna last month.

Hmmmm.. Ma-surprise nga tong si Deanna sa unit niya. Bahala na kung nandun siya o wala. Pag wala eh di uuwi na ko, magpapahinga. Pwede na kong umakyat ng diretso sa unit niya, nilagay na niya ko sa guest list niya. Minsan kasi nag aaya sila mag movie marathon ni Kim, para daw diretso na kong makaakyat sa unit niya.

Tama! Tama. Isusurprise ko siya ngayon, siguro naman nandun siya, hapon na eh. Di naman nagtuturo agad yung mga prof pag unang meeting.

Bago ko siya puntahan, bumili muna ako ng ice cream para may dala ako. Pero pag wala siya eh di more for me haha.

Pag pasok ko sa lobby, nag sign lang ako sa logbook tapos pinadiretso na ko ng guard. Tinanong ko din kung na dun ba si Deanna, sabi ni kuyang guard nandun daw. Sakto! Di ako mahohopia hahaha.

Bwiset na yan excited lang akong makita siya, di ko na mapigilan yung excitement ko. Ang tagal naming di nagkita buong bakasyon. Kahit halos gabi gabi kaming nagvivideo call, iba pa din sa personal, di ko siya mahampas sa video call haha.

Pag tapat ko sa unit niya nag doorbell agad ako. Naghintay muna ako saglit pero walang nagbubukas. Naku, baka tulog yun. Nagdoorbell ulit ako, and on my third try, binuksan na niya.

"Ohhh, hi, Jema!" gulat na gulat, Deanna?

"I didn't know na pupunta ka?" alangang tanong niya. Nawala tuloy yung excitement ko, parang di naman niya ko namiss. Kala ko ba miss na miss na niya ko. Yun yung lagi niyang sinasabi sakin eh.

"Oww, sorry, Deanna. Surprise! Hehe. Di mo ba ko namiss?" masiglang sabi ko. Baka nga nagulat lang siya na nandito ako. Di nga naman ako nagsabi.

Pero bakit ganoooon? Parang pilit naman yung pagkagulat niya sa surprise ko.

"Huy, anong reaction yan? Ayaw mo ata ko dito eh. Bumili pa naman ako ng ice cream! Tara, movie marathon tayo, ayain mo si Kim." harang na harang naman tong si Deanna sa pinto ng unit niya.

"Deans, come on! Luto na yung pasta." who's that? Napalingon bigla si Deanna sa likod niya at ako naman parang humaba yung leeg, gusto kong makita kung kanino galing yung boses.

Pero hindi ko na pala kailangang hanapin, lumapit na to kay Deanna.

"Deans, the pasta is---" napahinto siya pag kakita sakin.

And I never saw Deanna this uneasy. Okay, I get it. Kaya pala ganon ang reaction niya pagkakita sakin at kaya pala ganon na lang siya makaharang sa pinto. May kasama naman pala siya dito.

"Hey, may friend ka pala dito. Hello!" masayang bati sakin ni ate girl. Well, she's pretty, at halatang sosyal.

"Ah, J-Jema. This is Adi pala, Adi this is Jema." nauutal pa tong si Deanna.

"Hi, Adi.." bati ko, nakakahiya naman ang giliw sakin ni ate girl samantalang tong si Deanna napipi na ata.

"Hey, Jema. Wanna join us? Nag prepare kami ng pasta, mag momovie marathon kami." yung itsura ni Deanna parang gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa ngayon.

May ka-movie marathon naman na pala siya. Di na niya ko kailangan dito. Makauwi na nga lang.

"Oo nga, Jema. Tara, sama ka samin. Movie marathon tayo." wow naman si Deanna maka-aya. Mamaya ma-op pa ko sa kanila.

"Ah, no. I'm okay. Dumaan lang talaga ako to give this to you. Sige, bye, Deanna. Enjoy." inabot ko sa kanya yung ice cream. Wala na kong maisip na palusot. Nakakahiya mahopia pero nahopia ako.

Nag lakad na ko ng mabilis paalis. Urrgghhh. Bakit ba kasi ako pumunta pa sa unit niya. Dapat nag message ako. Nakakainis! Excited kasi ako. Malay ko bang may kasama siyang babae dun.

Pagdating ko sa condo, pumasok agad ako sa kwarto at pabagsak na humiga. Haaaay..

Ano na kayang ginagawa nila non ni ate girl? Ano ngang name non.. Hmmmm, Adi!

May bago na palang friend si Deanna. I bet, di niya kaklase yun. Ngayon ko lang nakita eh saka kilala ko sa mukha mga kaibigan niya sa uste, active siya sa social media. Dami laging naka-tag na pictures sa kanya.

Well, tama talaga ako ng sinabi. Madami pa siyang makikila talaga. Ayoko na ngang isipin. Pero yung ice cream ko talaga sayang eh. Sana pala di ko binigay sa kanya, kainis!

Itutulog ko na lang muna to, napagod ako sa pag aasikaso ng mga requirements ko kanina sa school. Bahala ka dyan, Deanna Wong! Enjoy sa movie marathon niyo. Ubuhin ka sana sa ice cream ko. Huhuhuhu, rocky road pa naman yun. My favorite!

----------

🙋

Hmmmmm.. 🤔🤔🤔

With A SmileOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz