25

988 33 2
                                    

May 04, 2018

D

I just can't believe it. Para pa din akong nasa alapaap.

Parang gusto kong sampal sampalin yung sarili ko, baka kasi nananaginip lang ako.

Totoo ba?

Totoo ba talagang sinagot na ko ni Jema?

Please, don't be a dream...

"Hey, baby..." Jema pinched my cheek.

Totoo nga to. Hindi ako nananaginip.

"What are you thinking, Deanna?" she asked.

"I'm just happy, Jema. Ang tagal kong hinintay tong araw na to. Para tuloy akong nananaginip."

"Hindi ka nananaginip, babe. Hehe."

Nice, babe...

"Babe talaga, Jema?"

"Yes, short for baby. Ayaw mo ba?"

"Hmmm, sa laki kong to?"

"You're still a baby to me hihihi.."

Ohhhh my Jemaaaaa... Ang ganda ganda niya lalo pag nakangiti siya, pag masaya siya. Makikita mo lahat sa mga mata niya yung totoong nararamdaman niya.

"Kung yun ang gusto ng mahal ko, sige. Lahat para sayo, baby ko." I said as I touch her cheek.

"Order na tayo? Anong gusto mo, baby?"

"Ikaw..." sagot ko.

Haaaayyyy... Kinikilig ako, ang saya saya ko sobra!

"Yiiieee... Pero yung totoong pagkain."

Dito na lang kami nag dinner malapit sa condo namin. Nag decide na lang kaming mag pizza at pasta. First dinner date namin as a couple.

Gustuhin ko man siyang dalhin sa ibang lugar pero di pwede. Busy week ngayon, puro quiz at exam, lalo na si Jema.

Mas busy na siya ngayon. Mas nakikita ko na ngayon yung sinasabi sakin ni Adi non, buong oras talaga ni Jema kinakain na ng pag dodoctor niya. Pero tulad ng pinangako ko sa kanya, nandito lang ako para samahan siyang tuparin lahat ng mga pangarap niya, di ko siya iiwan.

Di ko nga akalain na sasama siya kay Kim kanina, ready na nga akong mabasted kanina eh pero umayon naman yung pagkakataon sa lahat ng plano ko, kaya nga hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na totoo na to, after 3 long years.

Sa dami ng mga subjects na may quiz ako, lahat pa yun tagilid yung mga grades ko, hinanapan ko lang ng oras talaga na maiplano yung kanina, nagawa ko lahat yun sa tulong na din ng mga kaibigan ko. Alam kong dapat gawin ko na yun.

"Baby, punta lang akong cr ah?" ngumiti ako at tumango sa kanya.

Kinuha ko ang phone ko, kanina pa to vibrate ng vibrate sa bulsa ko. Halos lahat mga message sa gc sa iba't ibang major subjects namin.

Inopen ko muna yung galing kay Kim.

Shoot!

'Deans, may result na yung quiz sa strength of materials. Nasa group inupload ni sir yung result. Check mo na lang.'

Yan ang message ni Kim sakin. Di ko na binasa yung mga nasa gc, pag uwi ko na lang. Nakita ko na din si Jema pabalik dito.

Para tuloy akong kinabahan. Yun pa naman yung pinaka major namin, dun din ako pinaka tagilid ngayong sem.

"Hi, sorry, ang tagal ko ba?"

"Ah, no, babe. Yung food yung matagal hehe." I tried to compose myself. Bigla talaga kasi akong kinabahan dun sa result

"Ah, babe.."

"Yes, baby?"

"Di ako busy tomorrow." sabay ngiti niya sakin.

Bago pa ko makasagot, dumating na yung order namin. Inayos agad ni Jema to para makakain na kami.

"So, what do you think, baby? Labas tayo bukas? Kung di ka busy? May quiz ka pa ba?"

Meron. Madami pa. At pag nagkataong bagsak ako sa strength mapapasama ako sa magreretake ng quiz. Hanggang examination week wala ng pahinga.

"Of course, sure, baby. Labas tayo bukas. Hmmm 4pm, baby?"

Bahala na. Ayokong palagpasin tong chance na di busy si Jema. Mag rereview na lang ako overnight. Sanay naman ako don.

"Yey! Love you!"

"I love you too din po." haaay, kahit ganito lang nawawala na agad yung problema ko.

Bahala na, bahala na talaga lahat bukas.

----------

🙋

This is from the flashback of Stargazer 26-27.

With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon