19

1.8K 84 8
                                    

J

June 2017

"Ate! Congrats!" bati sakin ni Mafe.

"Anak, congratulations.." bati din sakin ni papa at mama.

Tapos na ang graduation ceremony, nakapag picture na kami ng mga kabatch ko. Lahat sila nabati na ko. Isa na lang ang hinahanap ko. Isa na lang talaga kumpleto na ang graduation day ko.

"Ma, saan tayo kakain? Nagugutom na koooo.."

"Hay naku, ikaw talagang bata ka. May inaantay pa ata ate Jema mo eh."

"Ate, ano? May inaantay ka pa? Ha?" pangungulit sakin ni Mafe.

Merooooon... Kaso di ko pa siya nakikita. Minessage ko naman siya. Pero parang di naman ata siya dadating.

"Anak sa likod na kayo sumakay ni Mafe." sabi ni mama bago sumakay sa harap ng kotse.

"Tara na ate..."

"Jemaaaaa!" waaahhh.. Kilala ko yung boses na yun.

Lumingon agad ako at nakita ko nga si Deanna, sinara ko yung pinto ng kotse bago siya salubungin.

"Hey, Jema.. Sorry, late ako. But, here ohhh congrats, Jema." inabot niya ang isang bouquet at isang maliit na box.

"Thank you! Kala ko di ka na magpapakita. Magtatampo na sana ako."

"Pwede ba yun lablab. Sorry, may tinapos lang kami. Pero nakahabol naman ako." halata ngang nagmadali siya, hingal na hingal pa eh.

"Tara, sama ka samin. Kakain kami sa labas."

"Naku, nakakahiya naman, Jema. Uuwi ka ba mamaya sa condo mo?"

"Yes, uuwi ako mamaya."

"Kita tayo later ha? Pag uwi mo."

"Sure, sige.. I'll message you."

"Ingat kayo, Jema. Congrats ulit!"

----------

D

"Bakit di ka sumama? Sayang!"

"Nakakahiya ano ka ba, Kim."

"Ano ng plano mo?"

"Hmmm, bibiling food and cake, basta lahat para mamaya isusurprise ko siya pag uwi niya."

"Naks! Tanungin mo na din kaya? Baka naman pwede na kayo? Tutal graduate na siya."

"Bahala na, Kim. Samahan mo muna ako bumili ng food."

"Sure! Tara."

Ang galing ni Jema, graduate na siya. Sobrang ganda niya kanina. Buti na lang nahabol ko pa siya kanina, nabigay ko pa yung regalo ko at nabati siya.

Sana nga umuwi siya mamaya, gusto ko siya isurprise at makasama mag celebrate. Kaso wala akong maisip na magandang plano, wala akong mapala sa mga suggestion ni Kim.

"Nahihilo na ko kakaikot, Kim. Tawagan mo kaya si Adi?"

"Yeah, naisip ko na din yan. Eto na tatawagan ko na."

Lumayo muna ako kay Kim nagtingin tingin ako dito sa loob ng isang party shop. Tama, bibili akong poppers at balloons para mamaya.

"Deans, punta daw si Adi basta libre daw natin siya."

"Ano sabi mo?"

"Sabi ko oo, lilibre mo kami."

"Wow! Ang galing mo talaga, Kim."

With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon