3

1.4K 84 10
                                    

D

December 18, 2015
University of Santo Tomas
Paskuhan

"Deans, ano final grade mo sa drawing?" tanong ni Kim pag labas namin ng room."

Informal meeting na lang namin sa prof namin. Kung sino na lang gusto pumasok para makita yung final grade bago niya i-encode. Yung ibang prof naman namin naipakita na yung grades namin. Nahuli na tong sa drawing, dami kasing late nagpasa ng plates.

"Secret, Kim. Ano muna sayo? Haha."

"Ang daya! Ako unang nagtanong. Fine, dos ako. Ikaw?"

"Oh well.. Uno lang naman ako hahaha.."

"Hayup! Master! Sabi na eh! Puro 100 ba naman plates mo. Uubra ka pa kaya next sem? Di na manual yun, computer-aided na."

"Eh di aaralin ko na sa bakasyon para di ako mahirapan haha. Tara, puntahan natin si Jema. Nasa library daw siya."

"Lib? Bakit? Tapos na exam ah. Dun na tayo sa mga booth, Deans! Excited na ko mamaya sa live band. First paskuhan natin to."

"Daanan nga muna natin si Jema."

"Sabi mo nasa lib. Baka busy yun. Kamusta na ba panliligaw mo sa kanya?"

"Ewan. Haha.. Di naman kami nagkakasama ng matagal. Saglit lang lagi. Busy nga di ba."

"Sus! Baka basted ka na! Hahaha wala ka pala eh."

Ang labo nga eh. Nung sinabi ni Jema na di naman niya ko pipigilan sa gusto kong gawin, tinotoo ko naman yung panliligaw ko. Araw araw ko siyang pinupuntahan pero dahil busy siya, di kami nakakalabas. Kita lang saglit, maswerte na kung makakasabay ko siya kumain. Madalas din kasi silang may group study ng mga kaklase niya.

Bihira pa din siya mag reply sa mga text at chat ko. Yung conversation namin maswerte na kung tatagal ng sampung minuto, bigla na lang siyang di mag rereply. Hindi ko alam kung panliligaw pa ba yung ginagawa ko o taga hatid sundo lang niya. Pero okay lang kung sa ganung paraan ko mapapakita yung sincerity ko sa kanya.

"Sira ulo! Alam mo namang focus sa pag aaral yung tao. Basta susuportahan ko lang siya."

"Iba ang loverboi! Hahaha."

"Naman! Tara na nga sa mga booth na tayo. Memessage ko na lang si Jema."

"Yown! Let's go!"
.
.
.
.
"Deans, dun naman tayo. Kainan din natin yun."

"Kim, taena. Busog na busog na ko. Lahat na kinainan mo."

"Tara na kasi. Para di tayo magutom sa concert mamaya."

"Samahan na lang kita. Di ko na kaya talaga."

"Di mo lang maalis atensyon mo sa phone mo eh. Di pa ba nagrereply si Jema?"

"Hindi nga eh. Sabi ko nandito tayo sa mga booth."

"Mamaya na yan!" amp! Kinuha ni Kim yung phone ko at hinila ako.

"Akin na yan, Kim."

"Mamaya na. Mag enjoy muna tayo. Unang paskuhan natin to tapos puro ka Jema, di ka na nga nirereplyan eh. Makaramdam ka kaya."

"Awww! Sakit naman, Kim. Anong magagawa ko, sa gusto ko siya."

"Deans naman. You make yourself too available for her, kaya ayan, okay lang na di ka niya replyan agad o pansinin. Pano, magrereply siya after 2 days tapos ikaw wala pang isang minuto nagreply na agad. Ano yun? Magpamiss ka kaya."

"Sa gusto ko ng atensyon niya eh. Okay lang naman sakin kung matagal siyang mag reply. Wala namang mawawala sakin di ba."

"May mawawala sayo. Nawawala yang kapogian mo. Naku, di pwedeng sa kanya lang umikot mundo mo. Duh! Lika, ihahanap kita ng paskuhan date mamaya sa concert." ano ba to si Kim, hila ng hila sakin!

With A SmileWhere stories live. Discover now