16

1.2K 80 9
                                    

D

"Anong meron, Wong? At gabing gabi na ginulo mo pa ko?"

Gusto kong matawa sa itsura ni Adi, halatang naistorbo ko ang tulog niya. Pero saka na ko tatawa baka di ako turuan nito sa calculus eh.

"Adi, paturo hehe. Sige na please.."

"Kaloka ka! Ginising mo ko para magpaturo. Bakit di mo na lang pinagpabukas, Wong? Kailangan ngayon talaga."

"Sige na, Adi. Please. Bukas kasi maghapon sched ko sa school. The next day na non quiz ko sa calculus. Gusto ko mataas grades ko para naman lalong ma-impress sakin si Jema."

"Walanghiya ka! Ginising mo ko para sa lablayp mo!"

"Hoy, nag eeskandalo ka dito sa lobby."

"Tse! Kilala na ko ng mga tao dito."

"Turuan mo na ko please???"

"Kainis ka, Wong. Tara na nga sa unit ko. Pag di mo agad nagets babatukan kita."

"Oo na.. Basta turuan mo ko."

Yung prof naman kasi namin, next meeting agad yung quiz, kanina lang sinabi kung kailan gabi na eh di sana kanina pa ko nakapagpaturo kay Adi. Ayoko bumagsak, ayoko na ng mababang grades. Seryoso na talaga ako, gusto ko ipakita kay Jema na worth it talaga ako.

Pag pasok namin ni Adi sa unit niya binaba ko agad bag ko sa sofa at pinaglalabas yung mga gamit ko.

"Hoy ikaw, Deanna. Mamaya magselos na naman sakin si Jema ah nandito ka sa unit ko. Sana sinama mo si Kim."

"Tulog na si Kim. Di naman malalaman ni Jema na nagpunta ako dito."

"Gago!" langhiya, binatukan ako ni Adi.

"Aray naman, Adi. Makabatok ka naman."

"Bobo mo! Di pa kayo ni Jema may ganyan ka ng mindset na okay lang kasi di niya malalaman ganon? Ang bata mo pa talaga mag isip, Deanna. Kaya di ka pa sinasagot ni Jema eh. Di pa siguro niya nakikita na matured ka na talaga mag isip."

"Sinermunan mo pa ko. Turuan mo na muna ako, Adi."

"Message mo si Jema. Sabihin mo nandito ka sa unit ko nagpapaturo. Bilis!"

"Wag na kasi. Mamaya ano na namang isipin ni Jema, magselos lalo sayo. Wala naman akong ginagawang masama."

"Exactly! Wala kang ginagawang masama. Just be honest, Deans. Dun mo umpisahan yung maturity mo sa relationship kahit na di pa kayo. Message mo na sige na, mas maganda yung wala kang tinatago sa kanya."

"Okay okay, eto na po ate Adi imemessage ko na po.."

"Bwiset ka talaga. Nasaan na ipapaturo mo?"

"Nandyan sa notebook ko please." sagot ko habang nagmemessage kay Jema.

----------

J

I received a message from Deanna,

'Hi, lablab. I'm here at Adi's place po. Papaturo lang sa calculus, quiz namin eh. Wag ka pong magselos. Labyu! Good night.'

Naks, nagpaalam talaga siya. Natawa ako sa wag akong magselos. Di na talaga niya nakalimutan yung unang encounter ko kay Adi sa condo niya. Lagi na siyang nagmemessage pag kasama niya si Adi.

'Okay po. Aral mabuti, ingat pauwi mamaya. Gabi na masyado oh.' reply ko.

Gabing gabi na kasi, bakit ngayon lang nagpaturo si Deanna. Baka biglaan lang sinabi quiz nila, ganon naman kasi minsan yung ibang prof.

'Dont worry, Jema. Madami namang fx dito. Sleep ka na, good night.'

What? Nag commute lang siya? Masyado ng delikado umuwi lalo kung gagabihin na siya mag 10pm na eh.

'Uy, bakit di ka nagdala ng kotse? Delikado na. Nag aalala akooo.. Sunduin kita!'

Shet, nasend ko na sa kanya. Nag aalala ako. Gabing gabi na.

'Wag na, Jema. Sleep ka na kaya ko na.'

'Pin your location here in messenger. Puntahan kita please.'

'Wait, sabihin ko lang kay Adi.'

'Sige please.. Delikado na mag commute.'

Inantay ko siya mag reply. Medyo matagal bago siya nag reply ulit.

'Sige, Jema punta ka. Torre Lorenzo, binilin na ni Adi sa guard yung name mo pati yung pwede mong parkingan.'

'Sure, wait for me.'

Nagbihis lang ako saglit at pumunta na sa location ni Deanna. Di ko alam kung anong ginagawa ko pero gusto ko talaga siyang puntahan. Nag aalala ako.

Okay, sige na, gusto ko din makilala si Adi. Gusto kong malaman bakit ang bilis siyang nakapalagayan loob ni Deanna at Kim kahit na sa bar lang nila siya nakilala. Sobrang close nilang dalawa ni Deanna eh, nababasa ko din sa social media yung palitan nila ng comments.

----------

🙋

Selos ba si J kay Adi o hindi?

Have you been in that kind of friendship like D and Adi's friendship?

With A SmileWhere stories live. Discover now