5

1.5K 81 7
                                    

D

February 14, 2016

On the phone

"Deans, asan ka na?"

"Mamaya na tayo mag usap, Kim. Pababa na si Jema. Nandito ako sa lobby nila."

"What? Kala ko ba ngayon ka magpapaturo sakin sa autocad? Naglalakad na ko papuntang condo mo."

"Mamaya na nga, Kim. Tawagan kita pag uwi ko."

"Saan ba kayo pupunta? Bukas na quiz natin dun."

"May date kami haha. Mamaya nga kasi kulit mo naman. Sige na, nandito na siya. Bye."

I dropped the call. Nakita ko na si Jema na lumabas ng elevator.

And woooow! Ang ganda naman niya kahit ang simple lang ng suot niya.

"Hi, Jema. For you." inabot ko sa kanya yung hawak kong tatlong stem ng binili kong bulaklak.

Tinignan niya tong mabuti at parang nagtataka siya kung ano yun.

"Di mo ba nagustuhan, Jema?"

"Nagustuhan ko. Ngayon lang kasi ako nakakita nito eh."

"That's stargazer.."

"Thank you, Deanna. So, saan tayo?"

"Let's have a lunch, Jema. Akong bahala kung saan. Tara?"

"Sure, let's go."

Sasakyan ko na ang ginamit namin, syempre nakakahiya naman ako nagyayang lumabas. Dadalhin ko si Jema sa isang katsu house sa isang mall. Tapos bahala na kung anong susunod naming gagawin.

"Jema, okay lang ba mag katsu tayo? May alam akong masarap na kainan."

"Sure, Deanna. Kahit saan. Sure ka bang wala kang dapat gawin ngayon? Wala kang rereviewhin o ano?"

"Wala, Jema. Don't worry."

Buti na lang hindi masyadong traffic, Sunday naman.

"Sige, Deanna. Bowling tayo after mag lunch? What do you think?"

"Gusto ko yan, Jema! Thanks pala kasi pumayag kang lumabas tayo ngayon."

"Oo naman. Sinabi ko naman sayo basta di ako busy, sasama naman ako. Wala kaming pasok bukas kaya pwedeng pwede ako ngayon."

Saglit lang nakarating na kami sa mall. Dumiretso kami sa sinasabi kong katsu house. Pag upo namin inabutan agad kami ng menu.

Of course, the usual ang order mo. Tori menchi katsu and watermelon shake.

"What do you like, Jema?" tanong ko sa kanya.

Para kasing di siya makapili. Palipat lipat siya sa menu.

"First time ko dito, di ko alam kung anong oorderin." binaba niya ang menu.

"Masarap yung tori menchi katsu nila dito."

"Sige, yun na din sakin. And mango shake na lang for drinks."

Bumaling ako ng tingin sa waitress.

"Miss, dalawang tori menchi katsu, isang watermelon shake at mango shake. Thank you."

Pagkarepeat niya ng order namin, umalis na agad siya.

"Jema, you look beautiful." I said. Instantly, napangiti si Jema.

"Thank you, Deanna." she's about to say something pa pero napatingin siya sa phone ko na tumunog bigla sa taas ng table.

It's Kim..

With A SmileKde žijí příběhy. Začni objevovat