4

1.3K 93 43
                                    

J

"Jem, okay ka lang? Parang di ka naman nag eenjoy." tanong sakin ni Adrian.

Nagsimula na yung live band, tumutugtog na yung mga sikat na banda. Sobrang ingay na at feel na feel na talaga yung paskuhan vibes. Kaso di ko magawang mag enjoy, nagi-guilty ako sa nagawa ko. Sa dinami dami ng tao, makikita pa ko ni Deanna dito.

Hay.. Sa sobrang dami ng ginagawa ko kanina di ko na napansin yung phone ko. Inaya niya ko last week na pumunta dito sa paskuhan, ang sabi ko susubukan ko. Ang dami ko pa kasing deadlines kaya di ako makasagot agad.

Akala ko nga di ako aabot sa deadline kanina sa major ko, di ko nasimulan agad yung research ko dahil nagkasakit ako last week kung kailan exam week pa.

Habang nasa library ako kanina, nakita ako ni Adrian, nagpresinta siyang tumulong. Kablock ko si Adrian at tapos na siya sa lahat. Kailangan ko na talaga ng tulong kaya tinanggap ko yung offer niya. Di ko naman inexpect na aayain niya kong manuod ng live band, nahiya akong tumanggi, syempre tinulungan niya ko.

Alam kong nalungkot si Deanna kanina, kitang kita naman sa reaksyon niya. Kaso wala akong magawa, wala akong madahilan. May mali talaga ako, late ko na din kasi nacheck yung phone ko, kaya di ko nabasa agad ang mga message niya. Pag may ginagawa kasi ako, nakafocus ako, naka off or silent yung phone ko para walang distraction.

"Medyo masama pa din kasi pakiramdam ko. Wala pa kong tulog." dahilan ko.

Parang gusto ko na lang umuwi. Nagi-guilty talaga ako. Parang ang mali na nandito ako at iba kasama ko.

"Gusto mo na ba umuwi, Jema? Hatid na lang kita." mabait sana si Adrian kaso hindi siya ang gusto kong kasama talaga. 😢

Kahit sa klase namin ang bait niya sakin, napaka gentleman at matalino talaga. Siya nga ang unang kaibigan ko sa block namin. Lahat ng dating kaibigan ko naging irregular na, ako lang ang napromote as third year regular.

"Okay lang ba, Adrian? Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Pasensya na." nawala ang mga ngiti sa labi niya pero ngumiti naman siya agad.

"Sure, Jema. Tara, ihahatid na kita."

"Okay lang ako. Sama ka na lang sa mga kablock natin. Ienjoy mo yung event. Dyan lang naman condo ko pag tawid."

Magkakasama naman kaming magkakablock, sayang naman kung aalis pa siya, halata namang gustung gusto niya yung mga tutugtog na banda, kanina pa siya kwento ng kwento sakin non pero di talaga ako interesado.

"Hatid na kita. Babalik na lang ako."

"Okay na ko. Sige, Adrian. Salamat talaga ha." umalis na agad ako, di ko na siya inantay sumagot. Mamaya magpilit pa siyang ihatid ako.

----------

D

"Hoy, Deanna! Ano? Malungkot pa din? Kanta na. Mag enjoy ka kasi."

"Di ko trip yung banda. Buti sana kung Spongecola o PNE yan."

"Pagtyagaan mo na, magandan naman yung mga kanta."

"Ini-enjoy ko naman, Kim."

"Deans, Kimchi! Tara, punta tayo sa harap!" aya samin ni Ysa.

"Tara, Deans, ano?"

"Kayo na lang. Inaantok na ko. Sige na, uwi na ko, Kim"

"Hoy! Ang kj mo. Friendship over na tayo pag di ka sumama."

"Sama ka na, Deans. Masaya naman eh." hinila pa ni Ysa ang kamay ko.

"Sorry talaga. Inaantok na ko. Kim, sige na, uwi na ko. Message na lang kita. Ysa, sorry."

With A SmileWhere stories live. Discover now