17

1.2K 74 21
                                    

J

"Naintindihan mo na? Ha, Wong?"

"Hahahaha, oo, Adi!"

"Di ka kasi nakikinig sa prof mo."

"Nakikinig ako, ang gulo kaya non magturo."

"Ewan ko sayo, nasaan na bayad mo? Di libre to no."

"Anong klaseng kaibigan ka, Adi."

"Hoy, ginawa mo na nga akong tutor lagi sa subject mo pati sa lablayp mo taga advice mo---" biglang tinakpan ni Deanna yung bibig ni Adi.

"Ano ba, Wong!"

"Nilalaglag mo pa ko kay Jema eh."

"Dapat lang ang pasaway mo kasi."

Hahaha nakakatawa silang dalawa. Okay, gets ko na kung bakit sobrang close nilang dalawa. Parang older sister lang ni Deanna si Adi. That kind of friendship, gusto ko din ng friendship na meron silang dalawa. Ang swerte ni Deanna sa mga kaibigan niya.

"Jema, talaga bang nagpapaligaw ka dito? Pwede mo ng bastedin to habang maaga pa." natatawa ako yung itsura ni Deanna inis na inis haha.

"Lablab, wag ka ngang makinig dyan kay Adi." makaabay naman tong si Deanna sakin.

"Yuck, Deanna ang corny mo.." asar ni Adi sa kanya.

"Yung kamay mo, Deanna.." bulong ko sa kanya, nakaakbay pa din kasi sakin inuurong pa ko palapit lalo sa kanya.

"Wait lang, kunin ko yung food natin. Kain muna tayo bago kayo umuwi." sabi ni Adi at tumayo na.

"Yes, lablab?"

"Yung kamay mo po."

"Bakit?"

"Patanggal na po.."

"Ay, sorry, Jema.. Namiss kita eh."

"Sus, tsansing ka lang.."

"Oo nga, Wong.. Tsansing ka lang kay Jema. Here, kain na muna tayo." binaba ni Adi yung tatlong cup noodles.

"Naks may pakain ka, Adi. Di ko tatanggihan yan!" aba to si Deanna, kinuha agad yung cup noodles.

"Jema, here. Kain ka. Inistorbo ka talaga ni Wong para magpasundo."

"Grabe ka sakin, Adi. Di ko inistorbo si Jema, concern lang siya sakin hihihi. Cute mo lablab." haha putek Deanna, nakakahiya sa harap ng kaibigan niya. Pinipisil pisil ako sa pisngi.

"Hay naku, Jema. Sure ka na ba talaga dyan kay Wong? Haha pwede pa umatras."

"Adi, ano baaaaa.. Bakit ganyan ka sakin, ang bait bait ko. Di ba, lablab?" naku, consistent yung tawag sakin ni Deanna ah. Ayokong kiligin dito haha.

"Nag alala ako eh, gabing gabi na mag cocommute lang pala siya pauwi." sagot ko.

"You know, ganyan mag isip yan si Wong pabigla bigla. Bata pa mag isip."

"Kain na lang tayo huy, ako na naman topic eh."

Nakakatawa talaga silang dalawa, kahit anong awat ni Deanna kay Adi sa pagsasalita, wala, nilaglag siya nito sakin.

Pero may point naman yung mga sinasabi ni Adi kahit dinadaan niya sa biro at asar. Bata pa talaga mag isip si Deanna, sabagay, bata pa naman talaga siya. Nakakaworry lang minsan yung mga ginagawa niya tulad nito, di niya naisip na delikado na pauwi lalo na dito sa Manila, akala siguro niya pareho lang to sa kinalakihan niyang lugar.

----------

D

"Yow, Wong! Taas ng nakuha mo sa quiz ah. Painom ka naman dyan! Haha."

With A SmileWhere stories live. Discover now