28

474 39 6
                                    

D

November 28, 2018
7 AM

Today is Jema's birthday! I'm gonna surprise her!

Nandito ako sa labas ng unit niya. Bumili ako ng balloon, small cake at popper para kumpleto talaga. 🙂

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako nag doorbell sa unit niya, 9 am pa naman ang pasok niya eh. Good morning, my love!

I hit the doorbell.

Nothing.

Uhh? Tulog pa ba si Jema? Malakas yung doorbell niya eh for sure magigising siya agad. Saka pag ganito gising na siya eh, usually, 2 hours before nga pasok niya gising na siya kasi ayaw niyang nagmamadali.

Talagang she takes time to prepare her breakfast and coffee, nagbabaon pa nga siya ng meal and snack eh, dahil talaga sobrang hectic ng schedule niya, ni hindi na nga siya lumalabas ng school para kumain.

I hit doorbell again, again, and again.

Wala talaga. Nag aalala na tuloy ako.

I called her, just to make sure she's okag, birthday pa naman niya ngayon.

Nakailang dial pa ako bago niya nasagot.

"Hello..." pabulong niyang sagot.

"Hey, baby, good morning! Happy birthday, love. Where are you?Wala ka ba dito sa condo mo?" sunod sunod kong tanong, nag aalala kasi ako eh.

"Baby, sorry. Maaga akong pumasok, nasa library ako ngayon, nag rereview kami."

Awwww 😔

Nasa school na pala siya, bakit ba kasi di ko siya tinanong kung anong oras siya papasok ngayon, sobrang excited kasi ako kakaprepare eh.

"Nasa condo ka?" tanong niya.

"Yeah, babe. Susurprise sana kita eh. But, it's fine. Sige, mag review ka na muna. I'll see you sa lunch? Lunch tayo? Please? It's your birthday naman, babe eh kahit 1 hour lang or 30 mins, kahit saglit lang."

.....

Ang tagal niyang sumagot.

"Sure, babe. I'm sorry, baby. Di kita nasabihan."

"Okay lang, sige na, mag review ka na my future doctor. I love you!" Urrggggggg, kinikilig talaga ako pag sinasabi ko yung future doctor. Kasi alam ko talagang magiging doctor siya sa sobrang sipag ang pursigido niya.

"Ihhh, I love you too, my engineer. I'll see you later, bye, baby."

Napangiti na lang ako sa sarili ko.

Okay, lunch with Jema later.

I went back to my condo, sobrang aga pa. Mamayang hapon pa ang class ko.

----------

J

"Jema, I think, phone mo yung kanina pa nag vvibrate dito." tawag ni Kylie sakin.

"Oh, shoot!" si Deanna! Napatingin ako sa relo ko.

3 pm na pala. Di ko namalayan ang oras. Hanggang ngayon parang wala pa ding pumapasok sa utak ko sa dami na ng nabasa ko. 1 hour na lang quiz na namin.

Lumabas ako saglit ng library. Tumatawag ulit siya.

"Baby, I'm so sorry." sabi ko agad pag sagot ko ng tawag. Hindi ko talaga napansin ang oras, ni hindi kami nakapag lunch pala.

"Don't be sorry, baby. Where are you? Kumain ka na ba?Dalhan kita ng food. Alam kong nakalimutan mong mag lunch. Daan ko dyan bago ako pumunta sa class ko."

"Wag na, babe. Mag dinner na lang tayo after quiz ko, 6pm and I'm done. I'm really sorry talaga, babe."

"Baby, ano ka ba. Okay lang. Sige, sunduin na lang kita dyan ng 6 pm sa labas ng building niyo ah. Please, kahit snack lang kumain ka before ng quiz mo. Papasok na ako, I'll see you late. I love you."

"I love you too, babe."

Bumalik ulit ako sa loob ng library.

First year subject ko pa lang to, pero bakit parang ayoko na. 🥺 Ilang araw na kong nag aaral dito.

----------

D

Almost 7 pm na pero wala pa din si Jema dito sa labas ng building nila. Nakita ko na yung ibang mga kaklase niyang lumabas pero siya wala pa din.

Tinatawagan ko siya pero hindi naman niya sinasagot. Nag aalala na ko.

Pag nag 7 pm at wala pa din siya dito, hahanapin ko na talaga siya loob ng building nila.

.....

.....

.....

Papasok na ko ng building nila ng makita ko na si Jema na palabas.

"Hi, baby! Happ---" hindi ko na natuloy yung bati ko sa kanya. Payakap siyang lumapit sakin.

"Baby, are you okay? What happened? I'm just here, Jema." narinig ko na lang na mahina siya umiiyak.

"Ang hirap, Deanna. Di ko na ata kaya. Di ata para sakin to. Ilang araw na kong nag aaral. Hanggang madaling araw nag aaral ako, di na nga ako kumakain pero bakit ganon, hirap na hirap pa din ako." 

Wala akong masabi, wala akong magawa. Ramdam na ramdam ko yung pagod at hirap niya habang sinasabi yun.

"Sshhhh, baby. Sige lang, iiyak mo lang, nandito lang ako. Magiging doctor ka, ilaban mo, Jema. Sasamahan kita." sabi ko habang hinahagod ang likod niya. Ramdam ko ng basa na ng luha niya ang balikat ko.

Humarap na siya sakin. Nag punas ng mukha at ngumiti.

"Uhmmm, tara na! Dinner na tayo, babe. Sorry, sobrang busy ko kanina. Thank you kasi lagi kang nandyan,babe."

And just like that, yung kaninang umiiyak na Jema, ang jolly na ulit. Paano niya nagagawa yun?

Ngumiti ako sa kanya.

"Happy Birthday, Jema! Don't worry, hinding hindi kita iiwan. Nandito ako hanggang sa maging doctor ka."

"Promise?"

"Promise, Jema. Nandito ako hanggang sa maging doctor ka."

-----------

🙋

Just a short update.
How are you guys?

With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon