26

637 31 2
                                    

D

"I'm so doomed!" eto na lang ang nabulong ko sa sarili ko pagkakita ko ng grades ko online.

Napaupo na lang ako dito sa tapat ng carpark. Magpapa-list na sana ako for block section at kukuha lang ng COE pero hindi na pala ako pwede sa block section.

Paano ko sasabihin sa parents ko 'to? Magkikita pa naman kami mamaya for early dinner at para i-check ni dad yung grades and schedule ko for this term.

Ngayon palang sumasakit na ang ulo ko, alam na alam ko na yung mangyayari mamaya.

Jema's calling...

Sabay kaming magla-lunch ngayon, nag enroll din siya, baka tapos na siya. Hindi ko alam paano haharap sa kanya.

Sasabihin ko ba?

"Hey..." sagot ko sa phone.

"Hi, babe hihihi... What's with your voice? Something's wrong ba? Saan ka? Puntahan kita." ang dami na agad niyang tanong.

Pati boses ko alam na alam na niya kung may mali ba o kung may sakit ba ko.

"Ah, babe. I'm okay, nandito lang ako sa tapat ng carpark nakaupo, hinihintay ka."

"Oh, I see you na, babe! Here, tingin ka sa kaliwa mo hehe." napatayo agad ako pag lingon sa kanya.

There, I saw my girl!

Naglalakad siya ng nakangiti papunta sakin. Nagsasalita pa siya sa phone pero ako nakatingin at nakangiti na lang sa kanya.

Yung bigat na nararamdaman ko kanina dahil sa grades ko bigla na lang nawala, parang wala na ulit akong problema, masaya na ulit lahat dahil sa kanya.

"Hi, baby! So, saan tayo mag lunch date? Hihihi." sabi niya agad pag lapit sakin at sabay kumapit sa braso ko.

"Hnmm, may nabasa akong resto, mukhang masarap yung mga food, ang gaganda ng review."

"Sure, babe! Kahit saan basta kasama ka."

----------

J

I don't know what's with Deanna but I know something is off. She's been quiet the whole time habang nasa byahe kami. Magsasalita lang siya pag ako yung mauunang magtatanong o magkukwento.

Usually naman siya yung nag i-initiate ng conversation at talagang makulit siya pero ngayon ang tahimik niya.

Nandito na kami sa restaurant na sinasabi niya. As usual, ang dami niyang inorder pero ngayon hindi na siya kumakain, nilalaro laro na nga lang niya yung nasa plate niya at ang layo ng tingin.

"Deanna Wong..." pagkuha ko ng atensyon niya.

I'm starting to feel worried. Sa tagal na naming magkakilala at magkasama, alam ko pag masaya siya o hindi.

"Y-yes, babe? Anong Deanna Wong?"

"Kanina ka pa tulala dyan. May problema ka ba babe? Please tell me naman oh, nag aalala na ako, kanina pa."

"Alright, babe. Sasabihin ko naman talaga."

"I'm waiting babe."

"I saw my grades." panimula niya.

Di ako natitinag, ayokong mag salita. Gusto ko munang pakinggan lahat ng sasabihin niya.

"I-I failed sa 2 major subjects ko." and then, she let out a long deep breath. Kaya pala parang ang bigat bigat ng pakiramdam niya kanina.

"What should I do, babe? Hindi ata para sakin tong course na to." I reached for her hand to at least comfort her.

"You try again, babe. There's no other way. Di ba that's your dream?" tumango lang siya.

"Then, you chase it. Double, triple your effort. I'll be here. I'll support you, pag napapagod ka na, magpahinga ka, sasamahan kita. But, don't just give up on your dreams, babe."

"Thank you, Jema. Kanina pa ganito yung pakiramdam ko pero nung makita kita kanina nawala agad."

"Don't worry, nandito lang ako lagi. Di kita iiwan."

"I love you, Jema!"

"I love you, too. Always!"

Nung una ko siyang makita non sa uste ang saya saya pa niya, punong puno pa siya ng pangarap non. Pero ngayon, parang nakikita ko na yung ako dati sa kanya, nung halos akala ko di ko na matatapos yung pre med ko.

Ganon na ganon din ako, tinanong ko din yung sarili ko kung para sakin ba talaga yung course na pinili ko. Natapos ko naman yung pre med, alam kong matatapos din ni Deanna yung kanya. I just have to support her and be with her gaya ng ginagawa niya para sakin.

----------

D

"Ano pa bang kulang, Deanna? You have all the luxury in life. Naka condo ka malapit sa school mo, may sariling sasakyan ka, bago lahat ng gamit mo. Sobra sobra yung binibigay na allowance sayo para mabili mo lahat ng gusto mo. Tapos ganito yung ipapakita mong grades samin?"

"Dad please. Enough na, nasa restaurant tayo. You can talk to Deanna naman pag nasa kotse na tayo." pigil ni ate Cy kay dad.

Di ko na nagawang magpaliwanag. Para saan pa? Mali ko naman talaga lahat to. Ako yung nagkulang sa pag aaral ko.

"Please, Dean. Sa kotse na lang yan, nakakahiya naririnig na tayo ng ibang tao." pati si mommy pinipigilan na din si dad. Pero ako nakayuko lang ako. Tatanggapin ko lahat ng sasabihin niya sakin. Kasalanan ko naman talaga.

"Kaya ganyan yang si Deanna. Di pwedeng ganyan, paano pag nasa trabaho na talaga yan? Walang magtatanggol sayo dun, Deanna pag nagkamali ka. Kaya ngayon palang matuto ka. Fix yourself! Ubusin mo na yang pagkain mo."

Hinagod hagod pa ni ate Cy yung likod ko pero di rin naman gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko nga nalalasahan yung pagkain na kinakain ko. Parang ang pait pait lahat.

Gusto ko na lang umalis dito. Gusto ko na lang pumunta kay Jema at umiyak. Parang wala na akong gana tuloy mag aral.

"Deanna, wag kang iiyak. Mag eenroll ka bukas at aayusin yung mga subject mo, okay?" bulong sakin ni ate Cy. Tumango na lang ako.

Pag pasok namin ng sasakyan, sinimulan ulit akong sermunan ni dad. Gusto ko na lang sa condo ko umuwi pero no choice dun ako sa hotel nila mag sstay dahil ako ang maghahatid sa kanila bukas sa airport.

"Ayoko ng maulit yan, Deanna ah. Umayos ka, pauuwiin talaga kita ng Cebu."

"Yes, dad. It won't happen again." mahinang sagot ko.

"Ang swerte mo nga eh. Nung panahon ko hindi ganyan. Wala akong condo, wala akong sasakyan. Saka yang allowance mo, wala akong ganyan."

"Dean, tama na yan. I know Deanna will learn her lesson. Saka ang hirap naman talaga ng course niya." pigil ulit ni mommy kay dad. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

"Baka naman puro barkada ka dito? Sinasabi ko sayo, Deanna ah. Di ka namin pinipigilan ng mommy mo sa buhay dito pero ayusin mo yang pag aaral mo."

"Maiintindihan mo din ako pag tumanda ka na, Deanna. Ayoko lang na makalimutan mo kung ano yung dapat mong i-priority sa ngayon. Bata ka pa, pag aaral muna ang unahin mo." mahinahon na yung boses ni dad.

Yun na nga eh, bata pa ako. Ngayon ko palang naman natututunan lahat. Gusto ko na lang matapos yung buong gabi na to at makabalik sa condo ko.

With A SmileDonde viven las historias. Descúbrelo ahora