9

1.2K 72 20
                                    

J

"Hi, Jema. You're beautiful." when I got out, Deanna is standing in front of her car, looking great.

Magaling talaga siyang manamit kahit nga yung simpleng yellow shirt namin sa university, iba ang dating pag siya ang may suot, plus the jeans and topsider.

Umikot siya sa kabilang side ng kotse para pagbuksan ako.

"Lunch tayo, Jema ha. What do you want for lunch?"

"Hmm, parang gusto ko yung kinainan natin non, yung katsu." naalala ko kasi, parang nag crave ako.

"Okay, lablab hihi." napangiti na lang ako, loko talaga to si Deanna kung ano anong tawag sakin but sweet hihi.

Di na kami lumayo ni Deanna. Sa pinakamalapit na mall na lang kami nagpunta. Uuwi din kasi ako bukas ng umaga sa amin, siya naman next week pa.

----------

D

"Jema, anong oras ka uuwi bukas?"

We're almost done eating. Kumakain na lang kami ng fruits at cabbage, busog na busog na naman ako.

"8am aalis na ako para di ako matraffic pauwi samin. Next week ka pa di ba?"

Oo nga, next week pa ang flight ko pauwi. Inisip ko kasi baka may mga pahabol pa na requirements pero wala na pala. So, buong week pa ako dito sa Manila. Wala naman akong maisip na gagawin, si Kim uuwi na din bukas sa kanila. Huhuhu, wala kong kasama.

"Yes, next week pa ko. Sayang nga eh, dapat pala mas maagang flight ang kinuha ko. Wala tuloy akong kasama."

"Mag gala kayo ni Kim hehe."

"Uuwi na siya bukas, pareho kayo huhu."

"Kawawa ka naman joke. Mabilis lang naman ang araw. Di mo mapapansin flight mo na pauwi. 4 months din ang bakasyon."

"Mamimiss kita, Jema hihi." baaam! Nag blush siya.

Totoo naman mamiss ko siya, ang tagal kaya ng apat na buwan. Apat na buwan ko siyang di makikita waaahhh. Mamimiss ko din mga kaklase ko, sa pasukan level up na kami.

"Sige na nga mamimiss na din kita hehe."

"Parang napilitan ka pa, Jema ah. Nakakatampooo." pinisil niya ko sa pisngi. Dumadalas pisilin ni Jema tong pisngi ko.

"Cute mo! Kakain ka pa ba?"

"Busog na ko sobra." hinimas himas ko pa ang tyan ko. Kailangan ko ng mag workout ata medyo nananaba na ako.

"Tara!" aya niya sakin.

"Saan naman, Jema?" sobrang busog ko hirap gumalaw haha.

"Arcade tayo? Para naman bumaba yung kinain natin. Laki na ng tyan mo hehe. Hiyang na hiyang ka, Deanna ah hehe."

Waaahhh.. Di naman ganon kalaki tyan ko ah. Lakas na mang asar ni Jema sakin. Tumayo na siya at hinila ako patayo, bigat ng tyan koooo.

"Lika na, tayo na dyan. Laro tayo basketball."

Hmmm, okay! My favorite.

"Matalo manlilibre!" sabi pa niya habang naglalakad kami.

"Jema, okay na sakin frap na libre hehe." hahaha maasar nga to.

"Hoy, wala pa nga, Deanna. Pag ikaw talaga natalo ko mamaya, humanda ka sa ipapalibre ko sayo." may pag hampas pa sa balikat ko.

"We will see, lablab hihihi." sarap asarin ni Jema haha.

With A SmileWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu