7

1.2K 77 13
                                    

D

May 31, 2016
Last day of Final Exam

"Wohoooo!!! Ano? Tara! Tara! Saan tayo, guys?!"

"Inom! Inom!"

"Shot na yan!"

"The Beech! The Beech!"

"Gagi, The Island tayo! Tara! Whooohoooo!"

Yan lang naman yung sigaw ng mga kaklase ko. Tapos na ang final exam namin. Tapos na ang isang taong paghihirap. Bakasyon na!

"Hoy, guys! Walang kj ha? Lahat sasama." sabi ni Justine. Siya ang block rep namin. Nakaupo na nga siya sa prof's table. Ang gugulo na ng lahat.

"Si Wong daw di sasama!" sigaw ni Kim, tinuro pa ko. Gagi ka Kim!

"Wala naman akong sinabi." sagot ko.

"Hoy, Wong!" hinila ako ni Justine sa harap at inakbayan.

"Bawal kj, Wong! Sasama ka. Saka na kayo mag date ng jowa mo sa kabilang college! Iba talaga pag pogi! Celebrate muna tayo." dagdag pa ni Justine.

"Wongskie, may jowa ka na?" parang dismayadong tanong ni Carlo na katabi ni Ysa.

Bigla tuloy lahat ng mga kaklase namin nakatingin sakin. Parang inaantay nila yung sagot ko. Tapos tong si Kim pangisi ngisi na lang sa harap ko.

Anong meroooon???

Di naman tago sa mga kablock ko na lagi kong kasama si Jema dito sa school lalo pag vacant. Nakikita pa nga nila kami ni Jema sa campus na magkasama, kaya siguro akala ng mga to jowa ko si Jema. Pero malapit na hahaha.

"Wong, sagot?! Hahaha may jowa ka na ba? Daming naghihintay ng sagot mo ohhh. Make them or break them hahaha." gago ka, Justine waaaahhh!

"Ay naku, girl. Wala ka na atang pag asa.." hoy, sino yun? Kahit bulong yun, narinig ko yun.

"Ano, Wong? Sagot na?! Hahaha.." shet, Justine. Nakakapressure naman.

Close kami nito ni Justine. Siya ang block representative namin. Siya ang pinapatawag pag may announcement yung mga prof o pag may mga event na need ng participation ng block namin.

"Wala akong jowa." sagot ko at umalis na sa pagkakaakbay ni Justine sakin. Ewwww, di kami talo. Kadiri hahaha..

"Wooooaaaahhhhh!" sigawan na naman lahat.

"Ayan ha! Narinig niyo, walang jowa si Wong. Dahil dyan libre ko na alak, sa inyo na pulutan!" naghiyawan lahat pagkasabi non ni Justine.

Nakita ko si Carlo tinutusok tusok si Ysa sa tagiliran, parang inaasar asar niya si Ysa.

"Nice one, Deans. Wag ka muna mag jowa para libre alak lagi. Hahaha." tawang tawa pa to si Kim.

"Dahil dyan, ikaw may sagot ng ambag ko mamaya, tutal ako naman mag dadrive."

"Deal, Deans! Hahaha.."

"Guys, guys! Listen. Bihis muna tayo, tapos saan niyo gusto mag late lunch? Dun tayo magkita ng 2:30pm." pagpapatahimik ni Justine sa lahat, ang gulo gulo na kasi, excited na lahat.

"Samgyupsal!"

"Unli wings!"

Suggest ng ilan.

"Papi Wong, saan mo gusto?" waaah, bakit ako, Justine.

"Unli wings na lang tayo." sagot ko. Namiss ko na mag unli wings eh.

"So, guys. Kita tayo 2:30pm sa Homecourt ah, walang male-late para makaalis din agad tayo." nag agree naman lahat kay Justine tapos nagsilabasan na kami.

With A SmileWhere stories live. Discover now