18

1.5K 86 3
                                    

J

"Excited umuwi, Jema?"

"Uy, Jia hehe."

"Kape muna tayo, Jema. Kwentuhan tayo bago umuwi ang toxic sa duty."

"Masanay ka na, mas malala pa pag doctor na tayo."

"Tara na, Jema mag kape na tayo."

"Sige, pero saglit lang ah."

"Yehey, tara na.."

Pagbibigyan ko na si Jia ilang beses na niya ko inaaya na magkape kami after duty pero lagi na lang akong tumatanggi. Nakakapagod kasi.

Pagpasok namin sa loob ng cafe si Jia na ang nagpresinta umorder. Umupo ako sa vacant table sa window side.

"Jema, kamusta ka naman? Di tayo nagkakakwentuhan sa duty eh." tanong ni Jia pag upo. Bilis ng service dito ah. Nakuha na din agad niya yung drinks namin.

"Okay naman ako, Jia. Ikaw ba?"

"Eto wala pa ding love life unlike you."

"Loka, wala naman akong love life."

"Sus, Jema. May bebe ka nga eh hehe." natawa ako haha, inaasar asar na ko ni Jia ng ganon dahil sa nalaman niya kay Martin.

"Di naman kami. Ayoko pa."

"Bakit naman, Jema?"

"You know hirap mag aral, baka di ko mapagsabay hehe."

"Mukha namang understanding at matiyaga bebe mo haha tagal ka ng sinusuyo non ah."

"Yeah, ang tagal na nga nagtataka nga ako bakit until now ang tiyaga non. Di lang naman ako ang kilala niya sa school."

"Haba ng hair mo, Jema. Bihira na yung mga ganon katiyaga. Iba nga dyan ilang buwan lang ayaw na, may kapalit ka na agad."

"Di pa talaga ako ready, gusto kong makagraduate muna bago yung mga ganyan."

"Hoy, linawin mo yan, makagraduate ng pre-med o makagraduate ng med mismo?"

"Both! Hahaha."

"Hoy! Nakakaloka ka, Jema! Ang tagal pa non, baka uugud ugod ka na non, naku!"

"Grabe ka naman sa uugud ugod, Jia haha. Mga 26 or 27 naman ganon haha."

"Sure na sure ka na one take lang sa med subjects ah hahaha. Gaga, ang tanda mo na non. Masaya may inspirasyon sa med school."

"Basta, bahala na. Sa ngayon dapat makagraduate muna ako ng pre-med."

----------

D

Ang sakit ng ulo kooooo.. 😣😵

I'm not drinking again. Parang may nakasabit sa ulo at sobrang bigat nito. Konting galaw ko lang ang sakit.

Maghapon na nga akong tulog at nakahiga pero pag gising ko ang sakit pa din ng ulo ko. Wala pa kong kain at ligo.

Someone's calling...

I checked my phone and it's Jema.

"Hi..." ang lambing naman ng boses niya tapos ako eto paos pa ata.

"Hello..." sagot ko. Inayos ko pa boses ko pero paos talaga ako.

"Okay ka lang? Pauwi na ko. You wanna go somewhere? Merienda tayo di pa ko kumakain eh."

Waaahhhh! Gusto ko. Kaso di talaga ako makabangon, ang sakit ng ulo ko sobra. Para nga akong susuka once na bumangon ako.

"Ang sakit ng ulo ko huhuhu."

With A SmileWhere stories live. Discover now