Chapter 2 : Useless

6.8K 113 6
                                    

Useless

Yam's POV

Nagising ako ng may narinig akong nagtatawanan sa baba. Tumingin ako sa orasan at pasado alas nwebe na. Dali dali akong bumangon at naghilamos. Day off ako ngayon,pero gusto kong handaan ng pagkain ang asawa ko.

Pagkababa ko naabutan ko si Keene at ang bestfriend nyang si Liam.

"Wala kang pasok?"pamutol ko sa tawanan nila ngunit di ako pinansin ng asawa ko. SI Liam lang ata ang tumigil na tumawa at ngumiti sa akin. Tumayo pa sya at  naghug sa akin.

'Yam! Long time no see!'nakangiti nyang sambit. Kita ko naman kung pano umirap sa akin si Keene. Mukang galit nanaman sya.

"Last month lang tayu huling nagkita."pambabara ko. Ramdam ko kasing nilalandi ako ng isang toh. Hindi ako feelingera.Ramdam ko lang talaga kung friendly o sadyang malandi ang isang tao.Friendly at malandi may malaki silang pagkakaiba.

"Ayy oo nga pala. Namiss kasi kita."akmang yayakap syang muli ng duruin ko ang nuo nya at ngumit din ng matamis.

"I miss you too. Magluluto lang ako."napatawa naman sya at umiling iling. Dali dali akong nagtungo sa kusina at nagumpisang magluto. Beef steak ang niluluto ko. Favorite kasi ni Keene.

Natapos akong magluto at agad na hinanda iyon sa hapag kainan. Magaalas dyes na rin pala.

Tinakpan ko ang mga pagkain . Alam ko namang ayaw akong kasabay ni Keene kaya aakyat nalang muna ako.

Halos mapatalon ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Eat." Walang gana nyang sambit.

"Hindi na.Kayo munang kumain ." Nakangiti konh sagot sa kanya.

"I said eat. We already ate ." Iritable nyang sagot. Parang sumakit uli ang puso ko. Ano pa bang aasahan ko? Never na ata nyang titikman ang niluluto ko.

Umupo nman agad ako at baka sigawan nanaman nya ako.

"Magbihis ka mamaya.My mom and dad wants to see us.You f*ckin know what to do." Pagpapaalala nya sa akin.Mabilis naman akong napatango at sumubo ng pagkain.Umalis na sya sa kusina at binalikan si Liam sa  sala.

Napatigil naman ako sa pagsubo ng biglang umupo sa harap ko si Liam.Bat nanaman toh nandito?

"Pano ba yan pinapaalis na ako ng asawa mo Yam." Nakangiti nyang sabi.

"Pasubo nga ako ng kinakain mo." Pagpapatuloy nya.Ibang klase talaga.Inirapan ko lang sya pero sadyang makulit.Di daw sya aalis hanggang d ko sinusubuan kaya naman pinagbigyan ko na.

"Sige." Simple kong sagot at kinamay yung beef sabay siksik sa bunganga nya.Siniksik ko talaga ng manahimik na sya .Halos matawa naman ako sa reaksyon nya kung di lang dumating si Keene seryoso kasi syang nakatingin sa aming dalawa.

"Di ka pa aalis???" Maotoridad nyang tanong sa kaibigan.Agad namang nginuya at nilunok ni Liam ang sinubo ko sa kanya.

"Eto na nga dude oh.I'm leaving.Sarap pa rin ng luto mo Yam!"pagpuri nya sa akin at tuluyan ng umalis.Hinatid sya palabas ni Keene.

Pagkatapos ng limang minuto ay bumalik na rin si Keene . Nagulat nalang ako ng bigla syang sumubo ng beef steak.Akala ko kakainin  nya pero nagkamali nanaman ako.

Nginuya nya yun sabay dura sa harap ko.

"Hindi masarap.Don't f*cking smile just because my friend complimented you.I swear Yam ,don't you dare flirt with my bestfriend."pagbabanta nya sakin.

Feeling ko maiiyak uli ako.Hindi man lang ba nya makitang nageefort akong barahin ang kaibigan nya?

Feeling ba nya ako pa nanlalandi sa kaibigan nya?

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon