Chapter 16 : Family

6.1K 121 35
                                    


A/N : hi guys.. sorry at matagal akong di nagparamdam. Naging super busy kasi ako. Medyo nawala na rin sa utak ko yung flow ng story... Hahaha sabaw ang update na to pero sana magustuhan ninyo xD

Family

Yam's POV

Medyo mabigat pa rin ang loob ko nang makarating ako sa bahay.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung sasabihin ko ba kay Keene ang tungkol dun o... hindi.

"Yaaaaaam!! FINALLY! I thought youre not going home for tonight." Salubong sakin ni ate Kelly. Nakaayos sya at mukang may lakad nanaman sya.

Ngumiti lang ako at tinanong sya kung saan sya pupunta .

"Haha I'm leaving dear.Nagkasundo na uli kami ng parents ko. Kinancel na nila lahat ng ipapablind date sa akin."Natatawa nyang sagot.

"Congrats ate." Natutuwa ko ring sagot.

"Actually I was just waiting for you haha .Just tell Keene the kid that I left ok?Take care. Pag yun gagago gago tawagan mo lang ako ok?I'll crash him down haha." Paghahabilin nya sa akin.

Napangiti nalang ako at tumango.

Niyakap ako ni ate Kelly at tinulungan ko na syang isakay lahat ng gamit nya sa sasakyan nya.

Bumalik naman ako sa loob nang mag-isa at naligo. Ang daming pumapasok sa isip ko. Hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin.

Nagbihis na ako at agad na dumiretso sa kwarto ni Keene para kunin lahat ng gamit ko. Tutal wala ni si ate Kelly. Babalik na ako sa dati kong kwarto.

Palabas na ako ng kwarto ng asawa ko nang biglang bumukas ang pinto .

"Where are you bringing your things?" Kunot nuo nyang tanong. Halatang pagod ito sa trabaho nya.

"Ah. Umalis na si ate Kelly. Dun na uli ako tutulog sa kwarto ---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nyang ibalibag ang pinto.

"You're not going out from this room."Matigas nyang sabi sabay hablot ng mga gamit ko mula sa kamay ko at binalik iyon sa dating lagayan.

Nakatitig lang ako sa kanya nang bigla syang maghubad sa harapan ko.

Dali dali naman akong tumalikod at napakagat sa labi.

"You can look at me.We're married after all. Seeing me naked and seeing YOU naked is not a big deal." Makahulugan nyang pahayag.

Hindi naman ako lumingon sa kanya at nanatili pa rin sa dati kong posisyon. May hiya pa rin naman ako kahit papano. Kahit sanay na akong makakita ng hubad na lalake dahil sa mga co-worker ni tay ,hindi ko pa rin kayang titigan si Keene.

Nanigas ang katawan ko nang biglang pumulupot ang kamay ni Keene sa bewang ko.

Idinikit nya ang katawan nya sa katawan ko at isinandal nya ang baba nya sa balikat ko.

Bigla akong nakaramdam ng init sa muka.. Ito nanaman yung "kilig" na sinasabi nila. Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko.

"K-Keene?" Kanda utal utal kong banggit sa pangalan nya.

"Please feel comfortable. You don't know how you make me feel awkward." Bulong nya sa tenga ko at agad ding humiwalay sa akin.

"You can sleep first. I'm going to take a shower." Simple nyang sambit at nagtungo na sa loob ng banyo.

Nakahinga naman ako nang maluwag at agad na humiga sa kama nya.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpagulong gulong sa kama.Sobrang gulo ng utak ko ngayon.Gago din kasi si boss masyadong pa suspense.Mababaliw na ako kakaisip kung ano ba talaga ang nangyari kay nanay.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon