Chapter 6 : Meet

5.4K 105 8
                                    

Meet

Lumipas na ang ilang linggong wala akong ibang ginawa kundi ang tumambay sa loob ng bahay.Wala na akong trabaho kaya naman wala na rin akong pera.Nahihiya naman akong humingi kay Keene.Baka iba nanaman ang isipin nya .

"What the hell?! Ang bobo mo talaga!Ang sabi ko ilagay mo sa folder para di madumihan!" Bulyaw nya sa akin kaya naman agad ko syang pinuntahan.

"Ano kasi Keene hindi ko makita yung folder kung san mo tinatago." Pagpapaliwanag ko.

"Kasalanan ko pa?! Wala ka na ngang ginagawa di mo pa gamitin ng maayos yang mata mo!" Frustrate nyang sabi.

Netong mga nakaraang araw kasi lagi din syang busy sa work nya.Minsan na nga lang sya umuwi ng bahay eh.Pag -uuwi naman sya lagi nya akong nasisigawan.Kung di nya naman ako sisigawan ,hindi nya ako papansinin parang wala lang ang presensya ko.

"Sorry." Tanging nasabi ko.

"F*ck!" Mura nya at padabog na umalis ng bahay.Naiwan nanaman akong mag-isa.

Dahil nga wala akong magawa ay naglinis lang ako ng bahay at natulog.

Kinabukasan ay niyaya naman ako nila Iris at Jason na lumabas dahil nga daw ay off sila at medyo malaki ang kita.Ililibre nila ako kaya naman ay pumayag na ako.Sayang din naman yung libre pag d ako pumunta.

"Wow ha! Himala wala kang pasa." Unang puna ni Iris.Siniko naman sya ni Jason.

"Mukang ok na kayo ah?" Nakangiting sabi ni Jason.Ngumiti nalang ako at nagpanggap na ok kami ni Keene.Ayaw ko lang kasing magmukang super sama si Keene sa mga kaibigan ko.Dahil gusto ko kahit papano ay tanggapin nila na mahal ko sya kahit pa pagtabuyan nya ako palayo.

"Hmm dahil libre ni Jason ngayon, ikaw naman Yam ang mamimili kung san mo gustong kumain!" Natatawang sabi ni Iris samantalang si Jason naman ay kunot nuong tumingin kay Iris.

"Hoy sinong may sabing ililibre kita? Si Yam lang!" Depensa ni Jason.

Sumimangot naman ang bruha at kinulit kulit si Jason.Kaya sa huli ay napapayag din nya ito.

"Hmm! Oo nga pala! Yam gusto mo bang magbar mamaya?" Halos mabulunan na si Iris .Salita kasi ng salita eh ngumunguya pa.

"Ahh baka hindi na.Gabi na kasi yun." Pagpapalusot ko naman.

"La? Dati nga reyna ka ng galahan." Taas Kilay nyang sabi.Kita ko namang sinamaan sya ng tingin ni Jason.

"Ang kulit mo talaga.Ayaw nga diba?" Pagtatanggol nya sakin.Napangiti nalang ako.Dabest talaga sya.

"Nga pala Yam."

"Oh?" Taka kong tanong habang sumusubo.

"Pumunta uli si Yen sa restaurant kahapon." Napatigil ako sa pagsubo dahil sa sinabi ni Jason.

Tumingin ako sa kanilang dalawa at seryoso lang nila akong tinitigan pabalik.

"Kelan ka ba magpapakita sa pamilya mo?" Nag-aalalang tanong ni Jason

"Oo nga girl, nag-aalala na ang pamilya mo sayo eh." Dugtong naman ni Iris.

"Hindi ko alam.Tsaka na,pero hindi ngayon.Hindi pa ako handa." Sagot ko sakanilang dalawa. Nahihiya pa ako sa katangahang ginawa ko.Sigurado akong pingot lang ang aabutin ko sa nanay ko.

"Hay nako! Ewan ko sayo Yam!" Pailing iling na sabi ni Iris.

"Kumain ka na nga!" Pagsuway naman sa kanya ni Jason.

"Oo na! Pero girl! Di nga? Ayaw mo talagang sumama sa bar?" Muling tanong ni Iris.

"Baka kasi umuwi ng maaga si Kee-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita syang muli.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon