Chapter 3 : Protect

6K 132 4
                                    

A/N: Haha di ko alam pero namamangha ako sa pagdagdag ng reads sa story ko kahit kauumpisa palang. Nakakagulat eh.Kahit silent reader kayo maraming salamat sa pagbabasa. Napapangiti na ako sa mga reads xD. Actually napag-isip ako kung icocontinue ko ba toh o hindi. Kasi nung una gusto ko lang sanang itry yung mga ganitong genre hindi ko naman aakalain na magkakaroon agad ako ng readers.Kaya naman eto na po ang chapter 3. Sana kahit matagal UD ko may magbasa pa rin. :*

Claud Keene -----> ( multimedia )

Protect

Yam's POV

Maaga akong nagising at nagsimulang maglinis ng bahay.Sa totoo lang hindi naman talaga ako nakatulog kagabi. Kakaisip na ibang babae ang katabi ng asawa ko. Nakakagagu lang isipin yun. Kung sino pa ang asawa sya pa yung nakahiwalay ang tulugan.

Habang naglilinis ako ay rinig ko ang sigaw ni Keene mula sa kwarto nya.Hindi ko na lang pinansin dahil normal na yun para sa akin.

Maya maya pa, lumabas na silang dalawa at bumaba ng hagdan.

"But Claud! I love you." pangungulit sa kanya ng babae.

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Ayokong makita ang pagmumuka nilang dalawa.

"F*CK! I DON"T LOVE YOU OK ?!FORGET ABOUT LAST NIGHT! I HAVE A WIFE HERE SO LEAVE!' galit nyang sambit. Halos mapatalon na rin ako sa lakas ng sigaw nya.

"Where is she then!?' pagalit rin na sigaw nung babae. Napakagat nalang ako sa labi ko.Ang sarap sabihing 'Ako bakit?!Angal ka?' pero alam ko namang hindi nya sasabihing ako ang asawa nya.Magagalit lang sya sa aki--

"Meet my wife b*tch." nagulat ako nang bigla nya akong hinila at inakbayan.

"I-I thought she's your maid?! " di makapaniwalang tanong nung babae .
Hindi ko alam kung anong iaasal ko. Magmamayabang ba ako na ako ang asawa at di sya o hahayaan kong magtalo silang dalawa?

"No she's not." Medyo kalmado nang sagot ni Keene.

"Liar! She's your maid!" Pagpupumilit ng babae.Ewan ko kung gusto ko syang sabunutan o sakalin.Dahil sa totoo lang nanggigigil na rin ako sa pagmumuka nya.Muka ba talaga akong katulong?

"Well do I kiss my maid like this?" Nakangisi nyang  tanong.

Halos matumba naman ako sa kinatatayuan ko nang bigla nyang nilapat ang labi nya sa labi ko.
Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya habang sya naman ay nakapikit.

Ramdam ko ang paggalaw ng labi nya hindi ko  alam ang gagawin ko. Para akong nanigas. Nanatili lang akong nakamulat.

"F*ck you Claud!" Bwisit na sabi ng babae at mabilis na lumabas ng bahay.Agad rin akong humiwalay kay Keene at namumulang umiwas ng tingin.

Ang init ata ng buong muka ko.Hindi ito ang first kiss namin,pero eto ang first kiss namin simula nung bumalik ang ala ala nya.

"*cough, k-kumain ka na?" nauutal kong tanong habang di pa rin makatingin nang diretso sa kanyang mata.

"I just came out from my room right? What do you think?." malamig nyang sabi at nagtungo sa sala sabay on ng tv at nanuod ng basketball.

Napabuntong hininga nalang ako. Magluluto nalang muna ako bago ako maglinis.

Pagkatapos kong magluto ay dinala ko iyon sa harap nya at nilapag sa center table. Ni hindi man lang nya tinabunan ng pansin ang luto ko.

"Move!I can't see." irita nyang sambit nang dumaan ako sa harapan nya. Agad naman akong tumabi at hinayaan nalang syang manuod.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon