Chapter 4 : Care

5.3K 108 5
                                    

Care

Yam's POV

"Huh!!!? SERYOSO KA?!" Di makapaniwalang tanong ni Iris mula sa kabilang linya kausap ko kasi sya sa telepono.

"Oo magreresign na ako." Kalmado kong sagot.

"Iiwan mo na kami ni Jason ganun?!"

"Hindi naman sa ganun.Ano kasi wala naman akong choice, asawa ko na mismo ang nagsabing magquit ako." Paliwanag ko sa kanya.

"Hay nako! Asawa asawa! Yang lintik mong asawang wala ng ginawang maganda!" Naiinis nyang sabi sa kabilang linya.Sasagot na sana ako nang biglang may humablot ng cellphone ko .

Nalimutan ko ,hindi pa pala nakakaalis si Keene.

Nagulat nalang ako ng bigla nyang pinatayan si Iris.

"Keene! B-bat mo binaba?" Gulat kong tanong.

"Tss dalian mong kumilos! I'm coming with you just to make sure ." Ma otoridad nyang sambit.

Nanlalaki naman ang mat kong nakatingin sa kanya,pero maya maya lang ay bigla nalang akong napangiti. Ewan ko ba muka akong teenager na kinikilig.Ang liit na bagay kinikilig na agad ako.

"You look stupid ." Bad trip nya uling sabi.Hindi naman nawala ang ngiti ko sa sinabi nya.

"Magbibihis lang ako."nagmamadali kong sabi at dali daling nagtungo sa kwarto ko sabay nag bihis.Hindi ako dugyot .Naligo na ako kanina kaya naman nagbihis lang ako.

Pagkababa ko naabutan kong naghahanap si Keene ng pagkain sa ref.

"Keene gutom ka? " nag-aalala kong tanong.Hindi ko sinasadyang hindi magluto.

"No,let's go." Pagtanggi nya at nauna nang lumabas ng bahay. Mabilis naman akong sumunod sa kanya.

Mukang nasa mood sya ngayon.Sana lang dirediretso na syang ganyan.

Tahimik lang kaming nagbyahe hanggang sa narinig kong tumunog ang tyan nya. Hindi ko nga alam kung tatawa ba ako o hindi, baka kasi mainis nanaman sya sa akin.

"Sh*t" mahinang sabi nya,pero rinig ko pa rin.

Palihim nalang akong napangiti at may dinukot sa bag ko.

Lagi kasi akong may baong pagkain pag pupunta ng work.

"Gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"No need." masungit nyang sagot at nagpatuloy sa pagdadrive.

Napakamot naman ako sa ulo ko. Gutom sya eh, hindi ko naman sya pedeng hayaan na magutom.

Kahit ayaw pa nya ay binuksan ko yung Chips Ahoy  at tinapat sa bunganga nya.

"F*ck ! I told you I don't like it!' inis nanaman nyang sigaw habang diretso ang tingin sa daan.

Kahit pa galit uli sya ay di ko nilayo ang kamay ko, hinayaan ko lang yung nakatapat sa bunganga nya.

"Kahit isang subo lang." pagpupumilit ko sa kanya.

Mabilis nya kong tinignan nang masama at wala ng nagawa kundi isubo ang sinusubo ko sa kanya.

Napangiti uli ako .Kinikilig ako  eh, parang inaalagaan ko lang sya.

Inayos ko na yung pagkain at binalik sa bag ko, ayaw ko ng pilitin syang muli  baka tuluyan uli syang sumabog.

Sumandal nalang ako sa may bintana at nakangiting pinagmamasdan ang daan.

"Water."

Agad akong napatingin kay Keene nang magsalita sya.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon