Chapter 30 : The Final Chapter

1K 15 5
                                    

A/N :  Yes ! Finally this is the last chapter! I hope na nag enjoy kayo sa story ko kahit medyo matagal yung mga updates ko.Thank you sa lahat ng nagbasa ,nag vote and nag leave ng comments!  ! I hope na ma enjoy nyo ang final chapter! HAPPY READING EVERYONE! ♥♥♥

The Final Chapter

Yam's POV : 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari . Nung una  akala ko hinding hindi na kami magiging okay ni Keene , pero heto ako ngayon kinakabahan habang naghihintay . 

"Oh my! You are so gorgeous ! " Excited na sabi ni ate Kelly nung pumasok sya sa dressing room . Oo dressing room . Araw kasi ngayon ng kasal namin ni Keene. 

"Thank you ate ." Sagot ko sa kanya pabalik .

" Are you ready? Your parents are waiting inside the van ." Tanong nya . Kinulit kasi sya ako. Ayaw nyang humiwalay sa akin.Gusto nya same daw kami ng sasakyan . Kaya ayun , nagpaiwan sya .Bale ang nandito na lang ay si ate Kelly , ako at ang mga magulang ko . Nauna ng pumunta sa venue sila Keene , pati na rin ang kambal ko . 

" Sa tingin ko ready na ako." Medyo kinakabahan kong sabi . Ayaw ko kasi talaga ng attention , kinakabahan ako . Simple lang naman ang kasal namin dahil sinabihan ko si Keene na ayaw ko ng super bongga at mahal , ayaw ko rin ng madaming tao . 

"Just relax! You'll be fine!" Paninigurado sa akin ni ate Kelly . Tumango naman ako sabay tayo na sa kinauupuan ko . Inalalayan nya akong maglakad papunta sa van kung san naghihintay ang mga magulang ko . 

" Ay sus ,nagpintas ni naning ko ah ( Ay sus , ang ganda ng naning ko )"  Bati sa akin ng tatay ko nang makasakay ako sa sasakyan . 

" Salamat tang ." pasasalamat ko sa kanya .

"Wag ka ng matigas ang ulo ah. " Pag-papaalala sa akin ng nanay ko .Tumango naman ako at ngumiti sa kanya . Umandar na yung van at maya maya pa ay nakarating na kami sa venue . Agh .Parang sasabog na yung puso ko sa kaba. Hindi ito ang first time na ikakasal ako , pero ito yung first time na seryoso ako about sa kasal ko. Nung unang kasal kasi namin ni Keene , hindi ko iyon sineryoso dahil hindi ko naman sya mahal nung mga panahong yun . 

"I'll go ahead. You got this!" Pag encourage sa akin ni ate Kelly bago sya bumaba ng van .

Maya maya pa ay sinabihan na ako na ready na lahat at pwede na kaming maglakad papunta sa venue . 

Tulad ng sinabi ko kanina , simple lang ang kasal namin . Pinili kong magpakasal sa isang garden at unti lang din talaga ang inimbita namin . Mostly mga relatives ni Keene dahil wala namn akong ibang relatives na kakilala. Inimbita din namin ang mama ni Keene , kahit papano ay nagrerespond na sya ng kaunti  pag kinakausap namin sya . Hindi pa rin sya discharge sa hospital  .One day pass lang meron sya ,kaya pagkatapos ng kasal namin ay ihahatid uli namin sya sa ospital . 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon