Chapter 9 : Bipolar

5.1K 112 7
                                    

A/N : Minna san meet Iris ^^
Enjoy reading!

Bipolar

"Well well, tignan mo nga naman.Ang kapal din ng muka mong bumisita dito ah!" Bungad ni Sena kay Yam na kakapasok sa restaurant.

"Pinapaalala ko lang, customer ako ngayon dito at hindi employado." Matapang nyang sagot at umupo sa isang table.

"Well, ako pa rin ang boss dito kaya ako ang masusunod!Get out!" Pagpapalabas nya kay Yam.Hindi naman nag-alangang tumayo si Yam at nanatili lang syang nakaupo.

"Hindi ka man lang ba mahiya sa iba mong customer?" Kalmadong tanong ng dalaga kay Sena na halos umusok na ang ilong sa galit.

" I don't care!Gusto mo bang tumawag pa ako ng police?!" Pananakot neto.

"Aanhin mo ang police? Restaurant toh diba? Kahit sino pwedeng pumasok."

"Ang kapal ng muka mong sagot sagutin na ako!" Akmang sasampalin nya na si Yam nang biglang dumating sila Jayaon at pinigilan si Sena.

"Let go of me!" Utos ni Sena kay Jayson.

"Mam tama na, nakakaistorbo po sa mga customer." Pag-papa alala ni Iris.

"Hayaan mo sya .Gusto nya yatang tuluyang mag-sara ang restaurant nya." Mapang asar na pahayag ni Yam ,kaya naman ay mas nanggigil ito at nakawala sa hawak ni Jayson.

Sasampalin na nya sana si Yam nanh biglang nahimatay si Iris.Nagpanik ang lahat,pati na rin ang mga customer.

"Iris!" Gulat na sambit ni Jayson at Yam .

"Uhmm" mahinang ungol ni Iris habang nakapikit ang mata.

"Oyy !! Gumising ka!" Kinakabahang sabi ni Yam habang tinatapik tapik ang pisnge ng kaibigan.

"Yam , ok lang sya.Sinabi nya saking nahihilo sya kanina.Baka kelangan lang nya ng pahinga." Pagpapakalma naman a kanya ni Jayson.

Nakahinga naman ng maluwag si Yam at napatingin kay Sena.Tulala lang din ito at nakatingin lang sa dalagang nakalatay sa sahig.

"Iuuwi na namin sya ni Jayson." Sambit ni Yam .Wala sa sariling napatango si Sena at hinayaang makaalis ng restaurant ang tatlo.

Pumara naman ng taxi si Yam at sumakay silang tatlo.

Nakarating sila sa appartment ni Iris at agad itong inilapag sa kanyang kama.

"Bat naman kasi sya papasok kung masakit pala ang ulo nya." Naiinis na sabi ni Yam habang binabantayan ang natutulog nyang kaibigan.

"Alam mo naman kung gano nya kailangan ng pera diba?" Tanong ni Jayson sa kanya.Napatango naman ang dalaga at medyo naguilty sa kalagayan ng kanyang kaibigan.

"Pero wala naman syang lagnat." Nagtataka nyang sambit habang nakahawak sa nuo ni Iris.

"Hindi ko rin alam Yam, nagtataka na ako kay Iris.Bigla syang nagbago." Seryosong tugon naman ni Jayson.

"May nangyari bang hindi ko alam?" Pagkokompirma nya sa binata.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo?"

Napag-isip ng sandali ang dalaga ngunit wala talaga syang mahanap na dahilan maliban nalang sa problema ni Iris sa pera.

"Hindi ko talaga alam." Napabuntong hininga naman ang dalawa nang biglang tumunog ang cellphone ng kanilang kaibigan.

Agad namang nagkatinginan ang dalawa at agad sinagot ang tawag.

"Nasan na yung sabi mong ipapadala mo?! Napakawalang kwenta mo talaga! Mamatay na kami sa gutom ng mga kapatid mo!" Bulyaw ng babae mula sa kabilang linya.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon