Chapter 11 : Trouble

4.8K 100 13
                                    

Trouble

Yam's POV

Lunes ngayon at tulad ng dati , mag-isa ko nanaman sa bahay.May pasok kasi si Keene at si ate Kelly.

Kelangan ko na talagang maghanap ng bagong trabaho.Medyo nakakabano na ang manatili sa loob ng bahay.Maghapon lang akong nagkukulong,naglilinis ng bahay at nanunuod ng TV.Mas lalo tuloy akong nagmumukang walang kwenta.Ni tawagan ang mga magulang ko ,hindi ko magawa.

Napabuntong hining nalang ako at napahawak sa kwintas na bigay ni Keene.Tila ba biglang gumagaan ang loob ko tuwing tinititigan ko ang bigay nya.Hindi ko rin maiwasan ang hindi mapangiti.

Ugh.Para kwintas lang!Napailing ako ng ulo at nagsapatos na.Mas maganda ng magpasa nalang ako ng ressume kesa magtunganga dito buong maghapon.

Sinara ko ang gate at naglakad hanggang sa makalabas ako ng subdivision.

"Hey!" Rinig kong sigaw ng isang lalake,ngunit di ako nag-abalang lingunin ito.

"Yo! You Are Mine!" Muli nitong sigaw pero diretso lang ang aking tingin habang naghihintay ng taxing dadaan.Ke aga aga nagiiskandalo na agad at sa harap pa talaga ng subdivision.

Agad akong napalingon sa likod ko nang may bumusina.

"Gangster girl!" Masaya nyang sambit habang malawak ang ngiting nakatingin sa akin.

Sino ba tong lalakeng toh.

Kumunot lang ang nuo ko sa kanya at di sya nginitian pabalik.

Bumaba naman sya sa sasakyan at kakamot kamot sa ulo habang naglalakad palapit sa akin.

"No hi?" Taka nyang tanong.

Nanatiling pareho ang ekspresyon ko sa muka at tinanong sya ng...

"Sino ka ba?"

Agad nawala ang ngiti nya at biglang nanlaki ang mata nya .Muka syang pamilyar ,ngunit di ko na maalala kung san ko sya nakita.

"Y-you don't remember me?" Gulat nyang tanong.Umiling naman ako at tinitigan lang ang muka nya ,nagbabakasakaling maalala ko sya.Muka kasi syang maluha luha.Mukang bata ang loko kung umasta.

Napahinga sya ng malalim at muling nagsalita.

"Eskinita boy ! Yung niligtas mo !"

"Ah." Simple kong sambit at napatango tango .

"Naalala mo na?" Masaya nya uling tanong.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Sige una na ako." Paalam ko naman sa kanya at muling naglakad.Ngunit di pa man din ako nakakalayo ay agad din nya akong tinawag.

"You Are Mine wait!"

"You are mine?" Kunot nuo kong tanong sa kanya.

"YAM ...you are mine diba?" Nakangiti nyang sambit. Hindi nagbago ang reaksyon ko at tumingin lang ako sa kanya.Medyo na awkward naman sya kaya muli syang nagsalita.

"I can offer you a ride again! San ka ba pupunta?" Tanong nya sa akin.

"Hindi ok lang.Kaya ko na." Pagtanggi ko sa alok nya.

"Nono I insist! Sabihin mo na ihahatid kita."Makulit nyang alok sa akin.Medyo napipikon na ako sa kakulitan nya ,ngunit kailangan kong magkontrol .

"Sa mall." Simple kong sagot.

--

"Oh my God ...ang gwapo." Rinig kong bulong bulongan ng mga tao sa paligid habang naglalakad kami netong kasama ko sa mall.Wala na akong nagawa eh.Sa masyado syang makulit kaya pumayag na akong magpahatid.Kala ko hanggang dun nalang ,pero bumaba ba naman sya ng sasakyan nya at bumuntot sa akin.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon