Chapter 10 : Happy Birthday

5.4K 121 2
                                    

A/N : Salamat po talaga sa support nyo sa story ko.Muaaah!!!Vote and comment naman po haha.Joke.Pagpsensyahan nyo na po kung lagi akong may typo....mahirap magtype gamit lagi ang cellphone hehe.

Enjoy reading!

Happy Birthday

Yam's POV

Napangiwi ako habang pinupunasan ang center table sa may sala dahil sa biglang pagbirit ni ate Kelly sa mic na hawak nya.

Talagang hindi sya nagpatalo kay Keene.Nasunod pa rin ang gusto nya,ang ikabit ang nabili nya karaoke sa may TV .

Mabuti nalang at wala na ang asawa ko.Maaga syang pumasok sa trabaho nya.Kung andito sya ngayin ,malamang nagbabangayan nanaman silang dalawa at paniguradong ako nanaman ang maiipit sa away nila.

"Yam sing with me!" Natutuwa nyang anyaya sa akin.

"Mamaya na ate tapusin ko lang yung nililinis ko." Palusot ko naman sa kanya.Nag-ok sign naman sya at muling bumirit.

Hindi naman sa masama ,pero talagang napapangiwi ako sa bawat birit ni ate Kelly.Medyo matinis kasi ang boses nya at nakakasakit sa tenga.

California King Beddddd yeah yeah yeah yeah!!!!!

Birit nya at pilit na inabot ang mataas na parte.Pasimple naman akong napatakip sa tenga at patay malisyang pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Napahiga naman sya sa sofa nang matapos ang mini concert nya.

"That was awesome! Ho!" Mangha nyang sambit at pinatay na ang machine.Nakahinga naman ako nang maluwag.Sa wakas.Tapos na syang bumirit.

"Ate, para san nga pala yung party sa sabado?" Taka kong tanong sa kanya.Habang patuloy sa pagpunas sa center table.Nakakbwisit kung pano pabalik yung mga alikabok na pinapagpag ko.

Napaayos naman sya ng upo at tinignan ako na nanlalaki ang mata.

"Don't tell me, nalimutan mo?" Gulat nyang tanong sa akin.

"Ang alin?" Taka ko namang tanong.

Napatakip sya sa bunganga nya habang di makapaniwalang nakatingin pa rin sa akin.

"It's Keene's 24th birthday!!"Halos excited na nyang sambit .

Halos mapanganga naman ako sa sinabi nya.Birthday ni Keene at di ko man lang alam.

"Haha don't worry I won't tell him about this.You know naman kung ganu sya kachildish and bipolar ofcourse ." Natatawa nyang sambit at muling tumayo sa kanyang kinauupuan.

"And by the way si tita nagsuggest sakin about this pool party.Feeling kasi nya nung naligo sya sa pool nya ay wala itong kabuhay buhay." Pasimple akong napalunok sa sinabi nya.

"Hindi ka ba mahilig magswimming Yam?" Tanong nyang muli sakin.Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng takbo ng puso ko.Mukang ewan lang.Kalma Yam.

"H-hindi kasi ako marunong lumangoy ate." Pag-amin ko.Totoo naman kasi yun.Never talaga ako natutong lumangoy at nung time na nagswiswimming pa ako sa pool namin ay dun lang ako sa parteng mababaw .Hindi ako naglakas loob lumangoy sa malalim.

"I see .By the way did you invite someone?"Tanong nya.Umiling naman ako bago magsalita.

"Hindi pa ,pero sasabihan ko na mga kaibigan ko mamaya." Paliwanag ko sa kanya.Tumango tango naman sya at nag-inat ng katawan.

"Well, I'ma clean the bathroom .I feel like a nuissance just standing here and doing nothing." Nakangiti nyang sambit.Ngumiti naman ako pabalik at hinayaan syang tulungan ako.Napakabait talaga ni ate Kelly.Ibang iba sya sa lahi nya.Si Nico mabait din ,pero may pagkasuplado at medyo bastos.Ang asawa ko naman....ubod ng kasungitan at kabrutalan.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon