Chapter 21 : Betrayal

1.1K 23 5
                                    


A/N : Warning maraming typos ito , pls try to understand na busy po ako at walang masyadong free time .Enjoy reading ~ ^^. Keene crying :D



Third Person's POV ( small gift for Liam and Iris shipper ~ xD) 

"Sayo ba toh?" Taas kilay na tanong ni Liam sa dalaga.

Umasim naman ang muka ni Iris sabay hablot sa kanyang inorder na fried chicken.

"Akin na yan." Seryosong sabi ng binata.

"Anong akin na ?! Akong bumili nito!Peste umalis ka na nga! Akala ko ba may trabaho ka?! Bakit mo sinisira araw ko?!" Gigil na sagot ng dalaga sabay tingin ng masama kay Liam.

"Puro nalang oily foods kinakain mo .Concern lang naman ako jan sa baby mo.Kaya siguro ang taba taba ng hita mo kasi para kang baboy kumain"Pang-aasar ng binata sabay tingin ng nakakaloko kay Iris.

"Ako baboy?!Hoy mahiya ka naman sa muka mong mukang lamok!"Sigaw ni Iris.

"Kung ako lamok, never kitang kakagatin.Mamatay nalang ako kesa kagatin yang katawan mong puno ng mantika."

"Pakyu!" Bwisit na sambit ng dalaga sabay sapak sa muka ng binata.

"Ow! Bakit mo ginawa yun?!" Asar na tanong ni Liam

"Eh binibwisit mo agad ako eh! Umalis ka na nga kumukulo dugo ko sayo ugh!" inis na inis na sabi ng dalaga.

"Miss baboy , this is my house. Bakit hindi ikaw yung umalis." Patuloy na pang-aasar ni Liam.

"K. Aalis talaga ako! Polluted yung hangin dito sa loob dahil sayo! Ang baho mo pweh!" Sabay lakad ni Iris patungo sa pinto .

Bwisit namang sinundan ni Liam ng tingin si Iris hanggang sa ito ay makalabas na ng bahay.

"What a bitch." Pailing iling na sambit nya sabay labas din ng bahay at sumakay na sa kanyang kotse.

Npakunot naman ang nuo nya habang nagdadrive nang may mapansin syang naglalakad na pamilyar.Napangiti sya ng nakakaloko at pinindot ng matagal ang bosena ng kanyang sasakyan.

"AY P*T*NG*NA!" gulat na sigaw ng dalaga sabay tingin ng masama kay Liam na nakangise.

"What? Saan ka pupunta , hatid na kita." Nakakaloko paring tanong nya kay Iris.

"Huwag na! " inis na sambit nya at nagpatuloy maglakad.

Binagalan namang magdrive ni Liam at sinabayan ang lakad ng dalaga.

"Come on , huwag ka ng mahiya. Mukang nahihirapan ka ng maglakad eh.Muka nang watermelon yang tyan mo." Natatawang pahayag ng binata. 

"Pwede ba?! Iwan mo na ako kesa nambwibwisit ka. Punyeta!"Binilisang maglakad ng dalaga habang si Liam naman ay itinabi ang sasakyan sa gilid sabay baba ng kanyang sasakyan.

"Halika na kasi." pamimilit parin sya nang maabutan nya si Iris.

"Ano bang hindi mo maintindihan?!Sabi kong aya----punyemas ibaba mo nga ako!" pagpupmiglas nya nang bigla syang buhatin ng binata sabay isinakay sa sasakyan.

"Tigas talaga ng ulo mo. Isasako na kita sa susunod.Malaki na yang tyan mo di tulad dati  kaya huwag kang matigas ang ulo." Seryosong sambit ni Liam habang nakatingin sa dalaga.

Hindi naman nakapagsalita si Iris, tumingin nalang sya sa bintana nanahimik.

"Gusto mo ako pa maglagay ng seat belt?" Pang-aasar ni Liam.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon