Chapter 22 : Heart

802 13 0
                                    

A/N : typos typos everywhere sorry guys !

Third Person's POV

Isang oras ng umiikot sa iisang lugar si Iris habang kinakagat ang kanyang daliri.

"Pwede ba umupo ka nalang , nakakahilo yang ginagawa mo." Pag suway sa kanya ni Jayson na kasalukuyang kumakain.

Napatigil naman ang dalaga at tumingin kay Yen.

Umiling si Yen at muling nagpatuloy sa paglalakad si Iris.

"Yen , ano na gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ng binata.

"Hindi ko rin alam."kalmadong sagot ng dalaga.

"Alam nyo ang maganda nyong gawin ha?Magsilayas kayo kung wala naman kayong bibilihin! Malas kayo sa negosyo!" Pagpapaalis ni Sena habang nakatingin ng masama sa tatlo.

"Sorry , aalis na rin sila mamaya pagkatapos ng break ko." Paghingi ng paumanhin ni Jayson sa kanyang boss.

" Hmp ang baho pa rin ng ugali." Pabulong na sabi ni Iris sabay irap sa babaeng nakataas ang kilay sa kanya.

"Mabuti naman!Tsaka sabihan mo na rin yang si Yam hah! Pag hukas absent pa rin sya bahala syang mamulot ng pera sa kalsada!" Bwisit na pahayag ni Sena.

"Tss nawawala nga yung tao." Sagot ni Iris.

"Muka ba akong may pake?Baka nagtatago lang yun .Nakakahiya naman kasi talaga pag sinuka ka ng asawa mo.Kung ako sa kanya mas hihilingin ko pang mamatay."Nakakalokong sambit ni Sena.

"Hoy!Sobra na yang bunganga mo ah! Halika dit--ano ba Jayson bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ni Iris nang bigla syang higitin ni Jayson papalayo kay Sena.

"Tama na Iris." Pagpigil ni Yen.

"Ikaw nga humila sa kanya." Pag hingi ng tulong ni Jayson.Hindi naman sya pinansin ng dalaga at tumayo lang sabay lapit kay Sena.

"Ako na lang ang sasapak di-- bitiwan nyo akong dalawa!Gago pala tong boss mo eh!" Galit na sambit ni Yen na balak rin sapakin si Sena.

"Mga walang modo! Umalis na kayo bago ako tumawag ng police! Nakakaistorbo kayo ng mga tao!"Inis na sigaw ni Sena.

"Sorry talaga!" Nahihiyang sambit ng binata sabay hila sa dalawa nyang kaibigan palabas ng kanyang pinagtatrabuhan.

"Hintayin nyo nalang ako matapos.Tatlong oras nalang shift ko." Sambit ng binata sabay kamot sa kanyang ulo.

"Talaga ! Di pa rin nagbabago yung kulugong yun! Ah bwisit!" 

"Kumalma ka.Buntis ka baka nakakalimutan mo." Pag- papaalala namanni Yen.

"Ah ewan! Text ka nalang mamaya pag tapos ka na!"Bwisit na sabi ni Iris kay Jayson.

"Ganun ba talaga ugali nong boss nyo?" Takang tanong ni Yen.

"Ex boss.Hindi na ako babalik dyan pag nanganak na ako.Ewan ko ba kung paano nakakatiis si Yam at Jayson sa unggoy na yan."

Tumango lang si Yen at nanatiling tahimik.

"Oy ba't natahimik ka?" Takang tanong ni Iris.

"Wala , tara na." Tipid nyang sagot sabay hila kay Iris.

***

Napabangon ang binata nang may marinig syang maingay na nanggagaling sa baba.Agad itong nagbihis at lumabas ng kanyang silid.

"There you are Keene the kid!Long time no see!" Bati ng babaeng sobrang lapad ng ngiti.

"What the hell are you doing here?"walang ganang tanong ni Keene.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon