Chapter 27 : Emotions

687 7 0
                                    


Emotions

Yam's POV :

Nakatingin  lang si Keene sa akin at hindi sya nagsasalita.Hinayaan lang nya akong umiyak at pinakinggan ang mga sinasabi ko.

Hindi ko kaya.Kasalanan ko lahat.Hindi ko naprotektahan si Keene at ang kanyang pamilya.Napakawalang kwenta ko.

"Can I hug you now?" Seryoso nyang tanong matapos akong magsalita.

Tumango lang ako.Agad naman nya akong hinila palapit sa kanya sabay yakap.Laking gulat ko nang bigla syang umiyak.

"I- I don't know what to do anymore Yam.I-it's so hard." Nahihirapan nyang sabi habang umiiyak.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko at mas lalo akong naiyak.Ngayon ko lang sya nakitang umiyak na parang bata.Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya.

"I feel so alone and hopeless.I- I don't know if I can keep my dad's company.Hindi ko na rin makausap si mama and I - I  thought you'll never come back." Malungkot nyang sabi.

"Hinding hindi kita iiwan Keene." Sambit ko habang patuloy pa rin sa pag iyak.

"Sorry , dahil sa akin namatay ang papa mo.Sana mapatawad mo ako!" Pag hingi ko ng patawad habang magkayakap pa rin kaming dalawa.

"It's not your fault.It is all my fault.If only I listend to you .I 'm just glad you're back.Promise mo hindi mo ako iiwan."

Tumango lang ako at nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa napansin ko ang mga police na palabas na sa bahay namin.Hawak hawak ng mga police si Carl at Lance na nakaposas.

Agad ko namang sinabi yun kay Keene .Kaya naman at agad kaming nag ayos ng sarili namin at lumabas na ng sasakyan.

"Akala ko ba dadalihin mo yan sa ospital?" Nagtatakang tanong ng kambal ko.Hindi ko naman sya pinansin at dumiretso agad ako sa taong pumatay sa tatay ni Keene.

Hindi sya makatingin sa akin at mukang  namimilipit sya sa sakit.Napatingin ako sa kamay nya at napansin kong bali ito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinabunan sya ng suntok.

Agad naman akong inilayo ng mga police sa kanya.

"Kulang pa yan sa ginawa mo sa akin , sa pamilya ni Keene at kay Iris." Nanggigigil kong sabi.

Napatingin naman ako kay Lance at mukang unti nalang bibigay na sya.Duguan kasi sya at feeling ko dadalihin nila ito sa ospital para ipagamot muna dahil nagtamo ito ng saksak sa tyan.Hindi ako natutuwa sa nakikita ko para sa akin , kulan pa lahat ng natamo nila sa lahat ng ginawa nila.

"Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan at kung magtatangka kang tumakas, ako mismo ang huhuli sayo." Madiin kong sabi sa kanya .Hindi naman sya nagsalita.Ngumise lang sya sa akin.

" Kelangan po namin kayo sa prisinto magpaliwanag kung ano ang nangyari." Sabi ng isang police.Tumango naman ako at sumama sa kanila. Sumunod naman sa akin si Keene , Zach at kambal ko.

Nang matapos ako tanungin ay  sinabihan akong okay na umalis. Nilapitan na ako ni Yen at tinitigan ng matagal.

"Normal ka na uli? Kilala mo na ako?!" Tanong nya.

"Oo , anong nangyari sa muka mo." Puna ko nang mapansin na pumutok ang labi nya at medyo namamaga ang muka nya.

"Awan atoy , kasla kagat men lang ti lamok. ( ay wala toh, parang kagat lang toh ng lamok)"  pag yayabang nya sa akin.

Halos hampasin ko sya .Medyo nakakaasar kasi yung mga facial expression na pinapakita nya sa akin.Para bang inaasar ako na sya yung malakas at ako yung mahina.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon