Chapter 18 : Gift

1.7K 47 8
                                    

Gift

"O-ow aray ko! Ano ba! Mauna ka nga!" Sigaw ni Iris kay Liam.Walang hiya ke aga aga high blood nanaman sya.

"Umurong ka! Leche!" Patuloy nyang sermon kay Liam.

"What the fuck! Can't you wait?!Feeler kala mo ba gusto kitang tabihan?!" Sagot naman nya pabalik

"Oy kayong dalawa tama na yan! " suway ni ate Kelly sa kanila.

"Fuck it." Rinig ko namang bulong ni Keene.Kanina pa sya tahimik at muka talagang bad trip na bad trip sa nangyayari.

Pano ba naman kasi, nalaman ni ate Kelly na nagplaplano kami ni Keene pumunta sa beach.Eh ayun, nagsimula ng mag imbita.Gusto pang isang van lang ang gamitin namin para daw mas masaya.

Si ate Kelly ang driver at katabi naman nya si Nico.

Si Liam at Iris naman sa gitna at kami naman ni Keene ay pumwesto sa likod.

"Ano guys are you ready?!" Excited na sambit ni ate Kelly.

"Ate ako nalang kaya magdrive" offer ni Nico.

"Shut up!" Bwisit na sagot ni ate Kelly at agad na pinaandar yung van.

Padabog namang sumandal si Keene sa bintana at pilit na pinikit ang kanyang mga mata.

"Keene the kid calm down.The more the merrier rightt guyss???" Pang-aasar ni ate Kelly.

Tumawa nalang ako ng pilit at tinignan kung pano umirap ang asawa ko.

"What?" Masungit nyang tanong sa akin nang mahuli nya akong nakatitig sa kanya .

"Wala." Sagot ko.

"Tsk." Hinila nya ako palapit sa kanya at hinayaan nya akong isandal ang ulo ko sa balikat nya.

"Just sleep."pang-uutos nya sa akin.

Nanatili ako sa ganung posisyon ngunit hindi talaga ako makatulog.Sobrang ingay ni Iris at Liam.

"Heh!Gusto mo sipain kita palabas ng van?!" Iritang sambit ni Iris.Nag -offer kasi si Liam na pwedeng sandalan din ni Iris ang balikat nya pero ang sira ulo kong kaibigan na offend pa at nagalit sa offer ni Liam.Mukantanga lang.

"Ikaw na nga inofferan ko galit ka pa?! Never pa akong nag offer ng ganun sa isang babae!" Sagot pabalik ni Liam.

"Aba eh di maganda! Humanap ka ng babaeng maoofferan mo ng balikat mo!Pwe!"

"Iris!" Suway ko sabay upo ng maayos.

"Sya kasi eh! Bwisit!" Umurong sya lalo sa may bintana at halos di na muling liningon si Liam.

"Pwede ba guys kanina pa kayo putak ng putak.Wala namang kwenta yang pinag aawayan nyo." Sermon ni ate Kelly.

"Eh bat kasi sya pa katabi ko?!" Reklamo ni Iris.

Napabangon naman ako bigla at nabatukan ko sya.Ang tabas kasi ng dila eh.

Sumimangot sya sakin pero di ko na sya pinansan.Buti nga at matahimik na sya.

Di ko namalayan at maya maya pa'y hinigit na ako ng antok .Nagising nalang ako nang bigla ako naitulak ni Keene palayo sa kanya.

Nakatakip ito ng bunganga at tila susuka na.

"A-ATE KELLY! May plastic ba dyan .Nasusuka si Keene." Natataranta kong sambit.

"Ha!? OMG .Wala. Wait brat hahanap ako ng exit!Nico search!" natataranta ring sabi ni ate Kelly .

Hindi na napigilan ni Keene at agad itong nagsusuka sa loob ng sasakyan.

"Ahhhh!!!!" sigaw ni Iris nang biglang masukaan ng asawa ko ang kanyang buhok.Nanlalaki ang mata nyang napatingin kay Keene.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon