Chapter 12 : Responsibility

4.9K 103 18
                                    



Responsibility

Third Person's POV :

"Y-Yam buntis ako."

Nagitla si Yam sa kanyang narinig at hindi nagawang maka imik agad.

"Kailan? P-pano?" Naguguluhan at kalmado nyang tanong sa kanyang kaibigan na hanggang ngayon ay hagulhol pa rin ng hagulhol.

Umiyak lang ng umiyak si Iris at hindi makasagot sa mga tanong sa kanya.

"Yam sorry!" Garalgal na sambit ni Iris habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha sa makinis nyang muka.

Muli sanang magsasalita si Yam nang biglang bumukas ang pinto.

"Yam, gusto daw tayo makausap ng doctor." Sambit ni Jason na kasama pa rin si Keene at isang doctor.

Napatingin si Yam kay Keene at gusto na nya itong pauwiin.Ayaw na nyang madamay pa ang asawa nya sa problema nila ng kaibigan nya.

"Keene, umuwi ka na may pasok ka pa bukas." Pag-papauwi nya nang makalapit sya sa dalawa.

Sinuri naman ng binata si Yam at mukang nagdadalawang isip pa kung aalis ba sya o hindi.

"Promise ,uuwi ako pagkatapos neto." Paninigurado ni Yam sa kanyang asawa.

"Just call me if you want me to pick you up." Simpleng sagot ni Keene at agad na tumalikod kay Yam.Kahit pa problemado si Yam ay d nya maiwasang kiligin sa sinabi ng kanyang asawa.Tila gumaan uli ang kanyang pakiramdam dahil sa biglaang maayos na pakikitungo sa kanya ni Keene.

Napailing naman sya at napatingin kay Sena na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa pwesto nya mula pa kanina.

"Ano ba talagang nangyari?Ba't ka nandito?" Diretsahan nyang tanong kay Sena.

Tumayo ang dati nyang boss at mukang takot sa nangyayari.

"Galit ba sya? Ipapademanda ba nya ako?" Nagpapanic nyang tanong kay Yam.

"Ma'm kumalma lang kayo , kakausapin pa namin yung doctor." Pagpapakalma ni Jason sa kanyang boss.

Napaupo naman uli si Sena at sumunod na si Jason at Yam sa doctor.

Nagexplain lang sa kanila ang doctor at tila unti unting kumulo ang dugo ni Yam sa kanyang nga nalalaman.

Bumalik sila sa room ni Iris at agad nya itong nilapitan at sinampal.

"Yam!" Pigil sa kanya ni Jason at Sena

Napahawak si Iris sa kanyang pisnge at naluluhang tumingin kay Yam.

"Sh*t naman Iris! Gaga ka ba!? Pano mo nagawang pagtangkaan ang buhay ng anak mo?!" Galit na galit nitong bulyaw sa harap ng kanyang kaibigan.Nalaman kasi nyang nagtatake pala ng drugs ang kanyang kaibigan.Drugs na maaring makapatay sa sanggol.

"Para hindi malaman ng nanay ko! Hindi mo naman ako maiintindihan dahil ikaw! Mahal ka ng nanay mo  at may tatay ka! Eh ako?! Nanay lang ang meron basura pa ang tingin sa akin!" Sagot ni Iris.

Mas lalong nag-init ang dugo ni Yam at akmang susugod uli kay Iris ,pero hinawakan na sya ni Sena at Jason.

"Tumigil kayong dalawa!Tingin nyo maayos nyo ang problema sa ganitong paraan?" Pamimigil ni Jason.

Napatingin naman si Iris kay Sena at di pinansin ang sinabi ni Jason.

"Bat di mo ako tinulak ng malakas?! Bat di mo nilakasan at nang nalaglag ang nasa tyan ko?!" Pagrereklamo nya habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon